Sinovac, siguradong ligtas sa kabila ng pangungutya ng mga kalaban ng gobyerno

WALANG dapat ipangamba ang sambayanang Pilipino patungkol sa COVID-19 vaccine mula sa Sinovac.

Ito ang inihayag ni Presidential Spokesperson Harry Roque sa gitna nang kaliwa’t kanang reklamo ng mga kalaban ng gobyerno.

“Well, huwag po kayo makinig diyan sa mawalang matinong magawang mga kalaban ng gobyerno. Alam niyo po, kaya hindi dumaan sa clinical trial sa China mismo ang Sinovac, Sinopharm at Casinovac dahil po wala na silang halos kaso ng mga COVID,” pahayag ni Roque.

Ani Roque, ito ang dahilan kung bakit ang clinical trial ng Sinovac ay isinagawa sa ibang mga bansa.

Ayon sa bansang Turkey, 91.25% na epektibo ang bakuna mula sa Sinovac.

Dagdag pa ng bansang Turkey, wala itong major side effect sa mga binakunahan.

Sa ngayon, tatlong milyong doses ng COVID-19 vaccine mula sa Sinovac ang kinuha ng Turkey.

SMNI NEWS