Sirkulasyon ng barya sa Pilipinas, digitalized na—BSP

Sirkulasyon ng barya sa Pilipinas, digitalized na—BSP

INILUNSAD ng Bangko Sentral ng Pilipinas (BSP) at SM Store ang kauna-unahang coin deposit machine sa bansa.

Layunin nito na palakasin ang Coin Recirculation Program at isulong ang digitalisasyon.

Gamit ang mga makinang ito, ang mga SM shopper ay maaari na ngayong magdeposito ng kanilang mga barya at i-convert sa kanilang mga e-wallet o sa pamamagitan ng voucher na maaaring i-redeem sa mga outlet ng SM Store.

“Ideally coins should change hands every one week, instead nagiging 6 months so you will need a lot of coins than other wise.”

“It improves the point, that you have to use technology to recirculate coins because that cheaper than making more,” saad ni Gov. Felipe Medalla, Bangko Sentral ng Pilipinas.

Aminado ang opisyal na bumaba ang demand sa barya dahil sa hindi na gaanong dinadala ng mga Pilipino.

Karaniwang dahilan ay mabigat sa bulsa o di kaya ay nahihiyang ibayad.

Ito ang nakikitang dahilan ni Gov. Medalla kung kaya nagkakaroon ng kakapusan sa barya ang Pilipinas.

Dagdag pa ni Medalla, base sa standard ng ASEAN, dapat nasa 50 pirasong barya lamang ang hawak ng isang Pinoy.

Pero, umaabot na ito sa 100 hanggang 400 piso.

Umaasa ang BSP na makatulong ito upang resolbahin ang artificial coin shortage na karaniwang nararanasan sa partikular na sa mga probinsiya.

Nasa 25 coin machine ang idedeploy sa iba’t ibang SM stores sa Metro Manila at kalapit lalawigan.

At target din itong paramihin sa mas marami pang lugar sa Pilipinas.

 

Follow SMNI NEWS in Twitte

Follow SMNI NEWS in Tiktok