IBA’T ibang hamon ang sumalubong sa pag-umpisa ng Marcos administration sa sektor ng edukasyon mula sa perwisyong dulot ng COVID-19 pandemic, kakulangan ng mga guro at silid-aralan hanggang sa problema ng NPA recruitment sa mga kabataan.
Paano nga ba ito tinutugunan ng administrasyong Marcos sa loob ng isang taon?
Ano nga ba ang estado ng edukasyon ng Pilipinas?
“Education is the most valuable service that the government can give to its citizens. If there is nothing else. After preservation of life and limb, education comes next. And with that, with a well-trained – with a well-trained populace, with a well-trained and highly experienced workforce then everything follows. The Philippines will succeed,” pahayag ni Pangulong Ferdinand R. Marcos, Jr.
Kinilala ni Pangulong Ferdinand Marcos Jr. ang sektor sa edukasyon bilang isa sa mga dapat pagtuunan ng pansin ng gobyerno para sa pag-unlad ng Pilipinas.
Pero hindi naging bulag ang administrasyon sa mga sakit sa sistemang pang-edukasyon sa bansa.
Sa Basic Education Report 2023 ni Vice President at Education Secretary Sara Duterte, inilatag niya ang mga suliranin na patuloy na pineperwisyo ang mga Pilipinong mag-aaral.
“Filipino learners are not academically proficient. Oftentimes, Filipino learners experience emotional abuse and exhaustion. Some Filipino learners suffer from psychological fatigue. And being academically insecure, many of them may fail to meet the standards of the demanding and competitive world,” saad ni Vice President Sara Z. Duterte, Republic of the Philippines
This is the truth. Ito po ang katotohanan.
Pinakamalaking problema na kinakaharap ng administrasyon ay ang kakulangan ng mga silid aralan.
Nasa higit 327,000 school buildings mayroon sa bansa pero wala pa sa kalahati nito ang nasa maayos na kondisyon habang higit sa kalahati naman ang kailangan ayusin.
Pagdating sa curriculum, aminado si Vice President Duterte na maraming problema ang K-12 Curriculum.
“The ongoing review of the K-12 curriculum has revealed that the curriculum content is congested; that some prerequisites of identified essential learning competencies are missing or misplaced; and that a significant number of learning competencies cater to high cognitive demands,” dagdag ni VP Sara.
“The K-12 curriculum promised to produce graduates that are employable. That promise remains a promise,” aniya.
May problema rin aniya sa learning outcome sa mga estudyante.
Batay sa pag-aaral na inilabas ng Programme for International Students Assessment (PISA) noong 2018, 81% sa mga Pilipinong mag-aaral ang nahihirapan sa mga basic math problem, 81% ang hindi makaunawa sa mga tekstong may katamtamang haba, at 78% ay walang kakayahan na makilala ang mga tamang paliwanag para sa mga scientific phenomena.
At mas lumala pa ito dahil sa COVID-19 pandemic kung saan isa ang sistema ng edukasyon sa bansa ang grabeng tinamaan.
Mula sa face-to-face classes ay biglang nag-shift sa online education.
Ngunit nakita ng DepEd na marami sa mga bata ang hindi sapat ang natutunan kumpara sa face-to-face classes.
Bukod dito, kinilala rin ni Vice President Duterte ang mga hamong kinakaharap ng mga guro, mga katutubong bata at kabataan na hindi nakapag-aral, at problema ng npa recruitment sa mga kabataan.
Sa loob ng isang taon, paano ba hinarap ng administrasyong Marcos ang napakaraming problema sa education system ng ating bansa? Ano-ano ba ang mga pangakong natupad upang mapabuti ang pag-aaral ng mga kabataang Pilipino?
“In the educational sector, I believe it is time for our children to return to full face-to-face classes once again.”
“The Department of Education, led by our highly able Vice President Sara Duterte, is now preparing for its implementation in the upcoming school year, with utmost consideration for the safety of students, as we are still in the middle of the COVID-19 pandemic,” ayon kay Pangulong Marcos.
Ito ang hudyat mula kay Pangulong Marcos na tuloy ang pagpapatupad ng full face-to-face classes sa bansa batay na rin sa DepEd Order No. 44.
Itinuturing ni Vice President Duterte na isang malaking tagumpay ang muling pagsisimula ng in-person classes noong November 2022.
Tugon ng pangalawang pangulo sa mga grupong nais ipagpaliban ang pagbubukas ng klase na hindi na kaya na muling maantala pa ang pag-aaral ng mga kabataang Pilipino.
Aniya hindi na maaari pang gawing dahilan ang COVID-19 para hindi matuto ang mga kabataan at pumasok sa paaralan.
“There are no excuses. Hindi na po natin kaya na muling maantala pa ang pag-aaral ng mga kabataang Pilipino. Kailangan na po natin silang ibalik sa in-person learning dahil sa in-person learning makakakuha ng makahulugan, sapat, o wasto at de-kalidad na edukasyon na kailangan nila para sa kalinangan ng kanilang pag-iisip at kakayanan bilang mga indibidwal na magiging katuwang ng pamahalaan sa pagtatag ng isang malakas na bansa,” ani VP Duterte.
Enero naman ng 2023 nang iprinisinta ng DepEd ang kanilang MATATAG Agenda: Bansang Makabata, Batang Makabansa.
Dito idininetalye ni Vice President Duterte ang mga solusyon ng DepEd sa mga problemang nakapalibot sa education system ng Pilipinas sa mahabang panahon.
“There is no denying that many of these problems are deeply ingrained in our basic education system — and some are deeply rooted in the reprehensible culture of corruption searing through the future of our learners. The MATATAG Agenda hopes to stop the bleeding,” ayon pa kay VP Duterte.
Sa ilalim ng MATATAG Agenda ng DepEd, layon nito na gawing ‘relevant’ ang curriculum sa basic education upang maging competent, handa sa trabaho, at responsableng mamamayan ang mga mag-aaral; pagpapabilis ng paghahatid ng mga basic education facilities at services; pagtataguyod ng inclusive na edukasyon at isang positibong learning environment; at mabigyan ng tamang suporta ang mga guro.
Kasabay ng pagkilala ng mga hamong kinakaharap ng education system sa bansa ay ang malaking pondong kinakailangan upang matugunan ito.
Nais sana ng DepEd ang P810.414-B budget para sa 2023 ngunit nasa P666.25-B lang inaprubahan ng Department and Budget and Management.
At matapos dumaan ng deliberasyon sa kongreso, P678.3-B ang natanggap ng DepEd para sa Basic Education sa 2023 General Appropriations Act.
Aminado si Vice President Duterte na kulang ang budget na kanilang natanggap para makamit ang kanilang adhikain sa education sector.
“In the 2023 General Appropriations Act, the education sector received the highest budget with PHP895.2 billion. Out of this, the Department of Education received PHP678.3 billion for basic education.”
“However, these national budget allocations for basic education are not enough to cover all the requirements needed in achieving our MATATAG Agenda” ani VP Duterte.
Dahil dito binigyang-diin ni Vice President Duterte ang halaga ng papel ng mga pribadong sektor upang mapaunlad ang basic education sa bansa.
Hinimok niya ang mga ito na makipag tulungan sa gobyerno sa kanilang adhikain na mapaunlad ang education system sa bansa at pangalagaan ang kinabukasan ng mga kabataan.
“Let us give Filipino children a chance to compete on an equal playing field with the rest of the world. They are the future of our nation, and investing in their education today will bring great benefits to our country in years to come,” dagdag ng Pangalawang Pangulo.
Dahil sa panawagan ni Vice President Duterte, nagpahayag ang iba’t ibang private organizations, non-governmental organizations, civil society groups at international development partners ng kanilang suporta na palakasin ang MATATAG Agenda sa pamamagitan ng pagbibigay ng kaukulang tulong sa DepEd.
Kabilang dito ang mga hakbang upang mapabuti ang access sa edukasyon, pahusayin ang pagsasanay ng guro, palakasin ang kalusugan at nutrisyon, at isulong ang technology integration sa silid-aralan.
Sa unang taon bilang Education Secretary, sunud-sunod din ang pagtanggap ni Vice President Duterte ng mga courtesy call mula sa ilang diplomat.
Sa pakikipag pulong nila sa pangalawang pangulo, ipinahayag ng iba’t ibang bansa ang kanilang suporta sa pagpapabuti ng education system ng Pilipinas.
Sa pagbisita ni Vice President Duterte sa mga paaralan sa bansa, inilunsad ng Office of the Vice President ang PagbaBAGo campaign.
Layon ng kampanya na mabigyan ng bags ang mga estudyante na naglalaman ng school supplies at dental kits.
Sa pamamagitan din nito ay naipapahayag ni Vice President Duterte ang kaniyang mensahe patungkol sa kahalagahan ng edukasyon sa mga estudyante at family planning sa mga magulang.
At nitong may 07, 2023, pinalawak pa ng OVP ang nasabing programa kung saan target nila na mabigyan ang isang milyong mga mag-aaral ng PagbaBAGo bag.
Katuwang pa rin ang OVP, inilunsad ng DepEd ang pilot testing ng ‘Pansarap’ Supplemental Feeding Program na layong tugunan ang malnutrisyon sa mga kabataan.
Sa pamamagitan nito, bibigyan ang mga estudyanteng kulang ang timbang ng ‘pansarap’ buns na may 10 iba’t ibang flavors.
Ang mga bun ay may mga bitamina at mineral na kinakailangan sa child development.
Inilunsad din ng OVP ang program ‘You Can Be VP’.
Ang nasabing programa ay nagbibigay pagkakataon sa mga kabataang magaaral na makita kung ano ang ginagawa ng isang vice president.
Ayon kay Vice President Duterte na nais ng special project na ‘You Can be VP’ na mabigyang halaga ng mga kabataan ang edukasyon, magpursige silang isakatuparan ang kanilang mga pangarap sa buhay, at linangin nila ang kanilang kakayahan na mamuno o leadership skills.
Tiniyak din ng DepEd ang isang ligtas na learning environment sa mga paaralan para sa sa mga estudyante mula sa karahasan, kriminalidad at pang-aabuso.
Batay sa datos ng Learner Rights and Protection Office ng DepEd, nakapagtala sila ng higit 1,800 kaso ng child abuse mula 2019 hanggang 2020.
At upang mapigilan na madagdagan ang kaso ng pang-aabuso sa mga paaralan, ipinapatupad ng DepEd ang mas malakas na child protection mechanism sa mga paaralan.
Kabilang sa kanilang ginawa ay ang magsanay ng mga child protection specialist at paglunsad ng learners telesafe contact center helpline.
“The Learners TeleSafe Contact Center Helpline will also address child abuse victims’ concerns, such as a possible backlash, victim shaming, or harsh physical punishment.”
“Pwede pong tawagan ang helpline sa pamamagitan ng landline at cellphone o i-text. Pwede ring mag-email o magpadala ng message sa Facebook,” ani VP Duterte.
Inilabas din ng ahensiya ang DepEd Order No 49 kung saan nakasaad na iwasan ng mga guro ang mga relasyon, pakikipag-ugnayan, at komunikasyon, kabilang ang pagsunod sa social media sa mga mag-aaral sa labas ng paaralan maliban kung sila ay kamag-anak.
Layon nito na isulong ang propesyonalismo sa paghahatid ng mga programa at serbisyo sa basic education
“Some do not understand my position with regard to professionalism. But truly, if you are a teacher, you have no business drinking alcohol with your students. And if you are a teacher and you are attracted to a student you are drinking with, that is preliminaries to what you want to do to the child. That is why I always remind the teachers whenever I talk to them in the field na may linya iyan because you are person of authority,” ani VP Duterte.
“Kaya lagi kong sinasabi talaga sa mga teachers na you should be professional dahil you are dispensing service to these students who are your clients, and therefore you have to be unbiased and you have to be a role model to them,” aniya pa.
Hindi rin binalewala ni Vice President Duterte ang banta ng npa recruitment sa mga paaralan.
Sa kaniyang mga talumpati sa anumang pagtitipon, paulit-ulit na nanawagan ang pangalawang pangulo sa publiko na protektahan ang mga kabataan laban sa terorismo.
“Nasisira talaga ‘yung buhay ng mga bata kapag sumasali sila sa mga rebel groups not just the NPA but including ‘yung mga nag-aadvocate ng violent extremism and terrorism. Particularly dito sa mga areas ng Western Mindanao.”
“Gusto natin na makita for the Department of Education. Walang nawawala na learner dahil na-recruit sa illegal activities, sa crime, sa terrorism, violent extremism, sa insurgency. Gusto natin na matapos talaga nila ‘yung kanilang basic education because ang ating future as a country, if you want to be the strongest country in the region is education ang sikreto ng ating population,” aniya pa.
Matapang din na hinarap at hindi nagpatinag si Vice President Duterte laban sa mga front organization ng CPP-NPA-NDF tulad ng ACT Teachers at Kabataan Party-list.
Sa kabila ng paninira at panggugulo ng mga nasabing grupo, pinanindigan ng pangalawang pangulo ang kaniyang mga desisyon at mga hakbang para sa pagpapabuti ng sistema ng edukasyon.
Inilahad din ni Vice President Duterte na nagsusumikap ang DepEd na mabuo ang national peace curriculum na aniya ay isang long-term solution laban sa insurhensiya sa bansa.
“DepEd is also working hard to design a National Peace Curriculum – our long term solution to insurgency and conflict in our country. Our goal is to equip our children and youth with conflict transformation skills and strengths and discernment to resist recruitment into radical and terror groups,” dagdag ni VP Duterte.
“We will also invest in our teachers as we all know that is part of the most – that is part of our improving our educational system.”
“We will offer them the support they need in terms of resources, in terms of programs, and policies so that they can effectively perform their roles as teachers and mentors of our children. It is my firm belief that quality teachers yield hard-working, productive, and law-abiding citizens,” ayon naman kay Pangulong Marcos.
“Our teachers. They are the lifeblood of the Department of Education. Without our teachers, our mission to carve a better future for our children will fail.”
“We will give support to teachers to teach better. Teachers are critical to the success of education. When they are supported, education quality improves,” ayon kay VP Duterte.
Sa loob ng isang taon, hindi kinalimutan ng Marcos administration na pahalagahan ang papel ng mga guro sa education system ng bansa.
Inilahad ni Vice President Duterte ang mga inisyatibo ng DepEd na layong mapabuti ang pamumuhay at kapakanan ng mga guro.
Kabilang na rito ang pag u-update ng batas na magna carta for public school teachers, ang pakikipag-usap sa department of health para sa libreng medical check-up, pakikipag-ugnayan sa government service insurance system para sa mga benepisyo ng mga guro, at ang koordinasyon ng DepEd sa iba’t ibang grupo ng mga abogado para sa pagbibigay ng free legal advice para sa mga teaching and non-teaching staff ng ahensiya.
Binawasan din ng DepEd ang workload ng mga guro upang matugunan ang sobra sobrang pagtatrabaho nila.
Ibinigay na lamang ang admin task o paper works sa non-teaching personnel.
Binawasan din ang mga aktibidad sa mga paaralan upang matutukan ng mga guro ang kanilang pagtuturo.
Hindi na rin oobligahain ang mga guro na lumahok sa mga aktibidad ng DepEd Central Office at mga lokal na pamahalaan.
“Isisingit ko po dito yung pakikiusap namin sa ating mga local chief executives na kung pwede ay wag po nating gamitin ang ating mga paaralan at ang ating mga teachers sa ating mga aktibidad ng ating mga local government unit. Ang atin pong mga teachers ay paulit-ulit naming nireremind na kailangan sila ay nagtuturo at hindi sila gumagawa ng iba pang bagay lalong-lalo na sa labas po ng ating mga paaralan,” ani VP Duterte.
Isa rin sa pinatitiyak ni Vice President Duterte ang kapakanan ng mga guro tuwing eleksiyon.
Matatandaan na hiniling ng pangalawang pangulo sa COMELEC ang maagang pagbibigay ng honoraria sa mga guro bago ang eleksiyon.
Isa rin sa pinasisiguro ni Vice President Duterte ay ang seguridad ng mga guro na magsisilbi sa panahon ng halalan lalong lalo na sa ilang lugar sa Mindanao.
“Minsan, ang mga guro ay tinatakot ng mga mga warlord politicians. And this is true in Mindanao. At ginagawang kasangkapan sa kanilang pandaraya. Nangyayari ito kadalasan sa mga liblib na lugar at mga lugar na kilalang kontrolado ng mga private armies ng mga pulitiko. This very true in Mindanao,” aniya.
At ang pinakamalaking hamon na hindi isinisantabi ng DepEd ay ang kakulangan ng mga silid-aralan sa bansa.
Bilang tugon ayon kay Vice President Duterte, nilikha nila ang school infrastructure and facilities strand.
“We have recently created the School Infrastructure and Facilities Strand. This strand will be devoted entirely to addressing long-standing issues on educational facilities and infrastructure. We will build more resilient schools and classrooms. For 2023, we have the budget to build around 6,000 classrooms,” aniya pa
Kaugnay nito ay inaprubahan ng Department of Budget and management ang pagpapalabas ng pondong mahigit P15.1-B para sa konstruksyon ng halos limang libong silid-aralan sa higit isang libong lugar sa buong bansa.
Kasama sa pondo ang pagpapagawa, pagpapalit, at pag kumpleto ng mga kindergarten, elementary at secondary school buildings, at technical vocational laboratories; paglalagay o pagpapalit ng disability access facilities; konstruksiyon ng water sanitation facilities; at site improvement.
Kamakailan ay ipprinisinta na rin ng DepEd kay Pangulong Marcos na permanenteng ipatupad ang blended learning kasabay ng paghire ng mas marami pang guro at pagtatayo ng mga silid-aralan.
Ibinahagi ni DepEd spokesperson Usec. Michael Poa na isa ang blended learning sa mga nakikita nilang solusyon sa kakulangan ng silid aralan at mga guro sa bansa.
“Hindi po kasi mabilis o hindi nagagawa iyan overnight – that’s why these problems are still with us today. That’s why we also presented that we are now going on a two-track approach wherein alongside the traditional solutions of building more classrooms and hiring more teachers, we also want to tap into technology. Kasi noong pandemya, na-realize natin na puwede pala iyong blended learning, puwede pala iyong online classes,” pahayag ni Usec. Michael Poa, spokesperson, DepEd.
Subalit, iginiit ni Poa na bago permanteng ipatupad ang blended learning, kailangan matiyak muna kung gaano ito ka epektibo sa pag-aaral ng mga estudyante.
“Ayaw naman nating basta-basta mag-blended learning tayo and then quality of education suffers. That’s why before we roll that out, we really want to ensure looking at best practices even in the private sector, kung papaano nai-implement iyong blended learning para po masigurado natin that once we implement it, we will not affect the quality of education,” dagdag ni Poa.
Bilang tugon naman sa learning loss, isinagawa rin ng DepEd ang tatlo hanggang limang linggong National Learning Camp (NLC) ngayong bakasyon.
Bahagi ang NLC sa matatag basic education agenda at national learning recovery program na nagsimula nitong Hulyo 24 hanggang Agosto 25.
Tutuunan ng pansin ng DepEd sa pilot implementation ng nlc ang subjects na English, Science, at Math para sa grade 7 at 8 at papalawakin pa sa iba pang grade level sa susunod na taon.
“This is part of our National Learning Recovery Program. So ano ang kaibahan nitong learning camps natin doon sa summer classes or remedial classes? Itong learning camps, hindi lang po iyong mga mababa iyong grade o iyong bagsak iyong inaanyayahan nating sumali. That is why we have three different camps under the National Learning Camp: Iyong una ay iyong Enhancement Camp; pangalawa ay iyong Consolidation Camp; pangatlo ay iyong Intervention Camp,” ani Poa.
Inihalal naman si Vice President Duterte bilang bagong pangulo ng Southeast Asian Ministers of Education Organization Council mula 2023 hanggang 2025.
Sa kaniyang acceptance message, sinabi ni Vice President Duterte na tinatanggap ng Pilipinas ang hamon na pamunuan ang Southeast Asia countries tungo sa post-pandemic recovery, habang itinataguyod ang mga kinakailangang reporma sa education systems na akma sa priority education agenda na ibinalangkas sa SEAMEO Strategic Plan 2021-2030.
“The Philippines humbly accepts the challenge of leading its Southeast Asian counterparts to post-pandemic recovery, while pursuing much-needed reforms in our education systems, ensuring that these fit within our Priority Education Agenda outlined in the SEAMEO Strategic Plan 2021-2030,” aniya.
Aminado si Vice President Sara Duterte na ang pagpapabuti ng ating education system sa Pilipinas ay hindi mangyayari sa isang gabi, at hindi rin ito magagawa ng Department of Education lamang.
Kailangan aniya ito ng patuloy na pagsisikap at pagtutulungan ng lahat ng sektor ng lipunan.
Pero tiwala si Pangulong Marcos na sa pangunguna ni Vice President Duterte, may mangyayaring pagbabago sa sistema ng ating edukasyon.
“I am confident that we will see noticeable improvements moving forward because our Department of Education that is spearheaded by no less than our hard-working Vice President Inday Sara Duterte is there,” ani Pangulong Marcos.
Mismong si Pastor Apollo C. Quiboloy ay bilib din kay Vice President Duterte.
Maswerte aniya ang bansa dahil mayroon itong pangalawang pangulo tulad ni Vice President Duterte.
“So, ito ay isang paghanga sa ating Vice President na talagang kaya niyang gawin ang dalawang responsibilidad na nag-iisa lang siya at the same time. So, bilib ako. At tayo ay swerte na nagkaroon tayo ng Vice President tulad ni Vice President Sara Duterte, hindi lamang maganda kundi matalino pa,” pahayag ni Pastor Apollo C. Quiboloy, The Kingdom of Jesus Christ.
Para naman kay dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte, Si Vice President Sara ang may character sa lahat ng mga anak nito at maaasahan aniya na susugpuin ng pangalawang pangulo ang korupsiyon partikular na sa DepEd.
“Sa lahat ng anak ko, ito yung may character. Maski ngayon mga tao. Magtip-toe ka pag dito. Maasahan mo ‘yung mga textbook textbook scam nga sa Department of Education, wala. Wala na iyan. Sigurado ako,” saad ni former President Rodrigo Duterte.
“Inday is straight as an arrow. We know that. Mana talaga iyan sa iyo pagdating sa korupsiyon,” ayon pa kay Pastor Apollo.
“Magtitip-toe ka basta si Inday,” ani FPRRD.
“Pero with regards to her job, talagang… Then when she was mayor. We know that kasi maasahan mo talaga si vice president,” dagdag pa ni Pastor Apollo.
Ano na ba ang estado ng sistema ng edukasyon sa Pilipinas sa loob ng isang taon sa ilalim ng Marcos administration?
Ano-ano pa ba ang aasahan ng higit 28 milyong mag-aaral at mga guro sa susunod na mga taon?
Samahan niyo kami at ating tutukan ang State of the Nation Address ni Pangulong Ferdinand Marcos, Jr.
“Let us join hands and act in unison as we build the best education system that the Philippines has ever seen.”
We owe it to our children to prioritize their well-being and give them the highest possible quality of education so they may become the innovators and the leaders of tomorrow not only of the Philippines but of the world.
With our united efforts, I am confident that we will succeed and bring forth a better, brighter, and more prosperous future for our children,” pahayag ni Pangulong Marcos.