PAUNLARIN ang sistema ng sektor ng agrikultura ayon kay presidential aspirant Bongbong Marcos.
Aniya, ito’y para masigurong matutulungan ang kapakanan ng mga magsasaka na apektado ng COVID-19 pandemic.
Ibinahagi rin ni Marcos na mas maganda kung magkakaroon ng magandang research programs na aasiste sa mga ito hanggang post-harvest production.
Sa research programs, hahanap ng paraan ang mga researcher ng iba pang mga produkto na hindi maapektuhan kahit pa may pagbabago ang panahon.
Iminungkahi rin nito na dapat ay may nakaantabay na loan packages sa pamamagitan ng farm inputs at technological support maliban sa research programs.