Sitwasyon ng Bulkang Mayon kaninang 12 am, Miyerkules

Sitwasyon ng Bulkang Mayon kaninang 12 am, Miyerkules

SA monitong ng Philippine Institute of Volcanology and Seismology (PHIVOLCS) hanggang alas dose ng madaling araw, nitong Miyerkules, Nobyembre 27, 2024, nagkaroon ng isang rockfall event ang Bulkang Mayon sa Albay.

Nagkaroon din ito ng katamtamang pagsingaw habang tinatayang nasa 552 tonelada ang asupreng ibinubuga ng bulkan.

Samantala, ang Bulkang Kanlaon sa Negros Islands ay nagbuga ng abo sa loob ng siyam na minuto.

Nagkaroon din ito ng 23 volcanic earthquakes.

Nasa 8244 tonelada ang asupreng ibinubuga ng bulkan at katamtamang pagsingaw na umabot ng 150 metrong taas.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble