Sitwasyon ng mga pasahero sa NAIA Terminal 3, mas lumuwag

Sitwasyon ng mga pasahero sa NAIA Terminal 3, mas lumuwag

MATAPOS maibalik kahapon sa dating terminal ng NAIA Terminal 4 ang ilang domestic flights ay mas lumuwag na ngayon ang sitwasyon ng mga pasahero sa NAIA Terminal 3.

Mayroong labing limang domestic flight ang AirAsia Philippines at labing isang check-in counter.

Habang ang CebGo naman ay may labing apat na rutang domestic at mayroong limang check in counter sa NAIA Terminal 4.

At ilang domestic flight operations naman ng Air Swift ang nag-ooperate din sa Terminal 4.

Dahil dito naging malaking kabawasan ng mga pasahero sa NAIA Terminal 3 nang nailipat ang volume ng mga pasahero sa Terminal -4.

Matatandaang sinara ang Terminal 4 nang halos dalawang taong dahil sa pananalasa ng COVID-19.

Nagpaalala muli ang Manila International Airport Authority (MIAA) na dapat tiyakin ang mga travel requirements na dadalhin bago ang pagbiyahe

Tanging fully vaccinated lamang na mga pasahero ang papayagang magbiyahe.

Follow SMNI News on Twitter