Sitwasyon sa mga lugar na sinalanta ng bagyo, mahigpit na binabantayan

MAHIGPIT na binabantayan ang sitwasyon sa mga lugar na sinalanta ng bagyo sa iba’t-ibang bahagi ng bansa.

‘’We are closely monitoring— through our various government agencies—the movement of typhoon Odette over this country at present,’’ayon kay Pangulong Duterte.

Mababatid na nauna na ring nakahanda ang agarang emergency and relief response para sa sinalanta ng bagyo.

‘’We have undertaken all the necessary precautions, prepositioned resources and closely coordinated with the localities to prepare for immediate emergency and relief response,’’saad nito.

Una rito, inihayag ng malakanyang na mayroon nang disaster response standby funds at naka-preposition na family food packs ang Department of Social Welfare and Development kasama ang field offices nito.

Sa tala nitong Huwebes, Disyembre 16 iniulat ng palasyo na mayroon nang kabuuang mahigit 98,000 na mga indibidwal ang nailikas mula sa region 7, region 8, region 10, at CARAGA.

Patuloy na pinaalalahanan ng pamahalaan ang publiko lalo na ang typhoon-affected regions, na isagawa ang kaukulang precautionary measures at makipagtulungan sa mga otoridad sa panahon na kailangan na ng agarang paglikas sa kanilang lugar.

SMNI NEWS