ALAS singko pa lang ng umaga ay dumating na ang mga volunteer ng KOJC at Sonshine Philippines Movement (SPM) sa Saluod Road, Brgy. San Antonio Uno sa bayan ng Noveleta, Cavite para sa panibagong linggo ng cleanliness drive initiative ni KOJC Leader Pastor Apollo C. Quiboloy para makatulong sa bayan kasi naniniwala ang Butihing Pastor na ang kalinisan ay ang tatag ng bayan.
Ang cleanliness drive na ito kasama ang tree planting initiative ni Pastor Apollo ay ginagawa na nito simula pa noong 2005 at lalo pa niyang pinaigting matapos ang pananalasa ng iba’t ibang kalamidad sa bansa.
Sinasabi na ang basura ang dahilan ng pagbara sa mga waterways at drainage kaya nagkakaroon ng pagbaha, at ‘yan ang bagay na sinusolusyunan ng Butihing Pastor sa pamamagitan ng ganitong aktibidad ng paglilinis.
Ang naturang area ay mababang lugar kaya mabilis lang bumaha kapag umulan.
Sabi ng mga residente doon na noong Bagyong Kristine ay napakadaming basura ang lumutang sa tubig-baha.
‘Yong mga volunteers ay nagmula sa mga iba’t ibang grupo, kabilang ang mga LGU at NGOs sa Cavite.
#KalinisanTatagNgBayan
#PastorApolloParaSaKalikasan
#ParaSaDiyosAtPilipinasKongMahal