TINIYAK ni Manila Economic and Cultural Office (MECO) Chairman Silvestre Bello III na normal na normal ang sitwasyon sa Taiwan.
Sa kabila ito sa pangamba na matulad ang relasyon ng China at Taiwan sa nangyayari ngayon sa pagitan ng Ukraine at Russia matapos bumisita si US House Speaker Nancy Pelosi.
Ayon kay Bello, maganda pa rin ang kalagayan ng mga OFW sa Taiwan hanggang ngayon subalit sinabi nito sa panayam ng SMNI News, nakahanda sila sa anumang mangyayari.