Siyam na lungsod sa Pilipinas, pasok sa Top 1k Global Urban Economies ng Oxford

Siyam na lungsod sa Pilipinas, pasok sa Top 1k Global Urban Economies ng Oxford

PASOK ang siyam na lungsod sa Pilipinas sa itinuturing na pinakamalaking urban economies sa buong mundo.

Ayon ito sa Global Cities Index ng UK-based Think Tank na Oxford economics.

Mula sa isang libong malalaking lungsod sa buong mundo, nasa rank- 256 ang Manila.

Ang Cebu City ay nasa ika-436 habang ang Cagayan de Oro ay nasa rank 487.

Ang Davao City naman ay nasa ika-500; ika-502 ang Angeles City, Pampanga; 538 sa rankings ang Bacolod; habang ang Dagupan ay nasa rank 604.

Ang Zamboanga ay nasa 695 habang ang General Santos City ay nasa ika-723.

Sa listahan, nangunguna naman dito ang New York at sinundan ng London.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter