Skip bus sa Edsa Busway, ipinaliwanag ng DOTr

Skip bus sa Edsa Busway, ipinaliwanag ng DOTr

IPINALIWANAG ng Department of Transportation (DOTr) ang kaibahan ng skip bus sa regular bus sa Edsa Busway.

Ayon sa DOTr, ang skip bus o ang mini loop service ay ang mga bus na hindi humihinto kahit walang sakay dahil nakatalaga ito sa mga istasyon na may mahabang pila.

Ito ay upang matiyak na lahat ng mga pasahero ay maseserbisyuhan at hindi maantala sa kanilang biyahe.

Upang hindi aniya malito ang mga pasahero, sinabi ng DOTr na nagbigay na ito ng direktiba sa mga operator na maglagay sila ng signage o placard kung ito ay “skip bus”, mini bus” o “regular”.

Sa ngayon, inihayag ng DOTr na nasa 550 na bus ang nabigyan na nila ng permit na umiikot sa Edsa Busway.

Follow SMNI NEWS in Twitter