Skyway 3, libre sa medical frontliners sa oras na maipatupad ang toll fee

MANANATILING libre para sa mga medical frontliners ang pagdaan sa Skyway Stage 3 oras na magtalaga na ng toll fee sa naturang kalsada.

Pagtitiyak ng San Miguel Corporation (SMC), tuloy pa rin ang kanilang “no toll fees” program para sa mga medical frontliners sa lahat ng expressways nito kabilang ang bagong bukas na Skyway 3.

Pagsisiguro nito, oras na magsimula na ang paniningil ng toll payment sa Skyway 3 sa Pebrero 2 ay makadaraan pa rin ng libre ang mga healthcare workers.

Tinayang aabot na sa P 156 milyong halaga ng toll fees ang ini-waive ng SMC simula nang ilibre nito ang pagdaan ng mga healthcare workers noong Marso nang nakaraang taon bilang bahagi ng kanilang COVID-19 response initiative.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.