Slovenia bukas kumuha ng mas maraming Pinoy workers

Slovenia bukas kumuha ng mas maraming Pinoy workers

BUKAS ang Slovenia na kumuha ng mas maraming Pinoy workers ayon sa Foreign Minister nila na si Tanja Fajon.

Bilang patunay ay lumagda ito ng isang Memorandum of Understanding katuwang ang Department of Migrant Workers (DMW).

Sa kasalukuyan, ayon sa Department of Foreign Affairs (DFA), nasa 413 na mga Pinoy pa lang ang nasa Slovenia.

Madalas sa mga ito ay clerical support workers, service and sales workers, technicians, at associate professionals.

Ang pagbisita ng Slovenian Foreign Minister sa Pilipinas ay nag-umpisa noong Marso 10, 2025, at magtatagal hanggang ngayong araw, Marso 12.

 

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble