KINILALA muli ng global media firm na Forbes ang SM Investments Corporation bilang isa sa “World’s Best Employers” para sa taong 2023.
Ito na ang ika-apat na pagkakataon na kinilala ang SM.
Dahil dito ayon sa SM Investments, isang patunay ito na inuuna ng kompanya ang kapakanan ng kanilang mga empleyado.
Nabuo ang listahan sa pamamagitan ng pag-interview ng mga empleyado sa iba’t ibang multinational companies at institutions sa mahigit 50 bansa.