Small-time retailers, lubos na maapektuhan ng price ceiling

Small-time retailers, lubos na maapektuhan ng price ceiling

MASAMA ang epekto ng price ceiling sa retailers ng bigas.

Sa panayam ng SMNI News sa ekonomistang si Dr. Michael Batu, itoy dahil hindi mayayaman ang lahat ng retailers at ang pagbebenta ng murang bigas ay ikalulugi nila.

Magkakaroon pa tuloy ng artificial shortage dahil dito ayon kay Batu.

Kung tutuusin, bagama’t may assistance na ibibigay ang gobyerno para sa mga itinuturing na small-time retailers, ang ibibigay na P15-K ay hindi sasapat hanggang Oktubre o sa inaasahang pagtanggal ng price ceiling.

Sa kabila rito, iminungkahi ni Batu na i-repel at i-replace na ang Rice Tariffication Law.

Sa panahon ngayon ay hindi na aniya ito naangkop lalo na’t hindi inaasahan na magkaroon ng global shortage ng bigas.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter

Follow SMNI NEWS on Rumble