DAPAT mapasailalim sa sanction ang Smartmatic ayon sa inihayag ni Senator Imee Marcos sa panayam ng SMNI News.
“Kailangan talaga ma-sanction ang Smartmatic, medyo late na nga in the day, wala tayong magawa, limitado ang ating mga options diyan, alangan naman palitan natin, at this point in time. Pero dapat istriktuhan natin ‘yan, hindi pupuede ‘yung ganyan,” ayon kay Sen. Marcos.
Ani Marcos, hindi dapat pinapasok ng Smartmatic ang contractual employee sa Sta. Rosa facility.
Bukod pa rito, hindi dapat labas-pasok ang mga official computer ng Smartmatic na may iba’t ibang impormasyon.
Ayon pa kay Sen. Marcos na may mga personal information din na nakalagay sa nasabing computer.
Dagdag pa ng senadora na hindi dapat maging smartmagic ang Smartmatic.
Kaya naman, sinisigurado ni Sen. Imee na magtutulungan ang mga opisyal ng gobyerno mula sa iba’t ibang partido upang magkaroon ng malinis na eleksyon.
“Gagawan natin ng paraan na ‘iyong natitirang balota ay talagangg panoorin ng iba’t ibang partido at ‘yung mga SD card ay dapat i-testing talaga kahit nasa loob ng VCM ‘yan at makita natin na maayos talaga ‘yung SD card,” ayon sa senadora.
Ani Marcos, kalimitan sa mga problema sa eleksyon ay ang mga hindi gumaganang mga SD card.
Sa kabila nito, sinabi na Marcos na may mga karagdagan ng technical hubs na ngayon sa iba’t ibang regional at provincial center na maaaring makatulong sa panahon ng eleksyon.
Paalala rin ni Senator Marcos sa COMELEC na dapat pag-isipan ang pagkuha ng ibang voting company na walang bahid ng kontrobersiya sa Pilipinas at sa ibang bansa.