BINIGYANG-pugay ang ilang mamamahayag ng SMNI News at DZAR Sonshine Radio sa larangan ng patas at tamang pagbabalita sa 6th Asia-Pacific Luminare Awards sa Okada Manila.
Wagi bilang Asia’s Most Promising News Anchor of the Year ang Newblast anchor na si Kyle Selva.
Nasungkit naman ni Franco Baranda ang Asia’s Most Remarkable and Admired Special Reports Correspondent of the Year.
Tampok sa mga special report ni Baranda ang laban ng gobyerno kontra insurhensya, terorismo, kriminalidad at iligal na droga.
Kinilala naman si Jayson Rubrico bilang Asia’s Most Admired and Trusted News Reporter of the Year.
Pinarangalan din dahil sa kaniyang kontribusyon sa pamamahayag ang DZAR Sonshine Radio Broadcaster Tony Cuevas bilang Asia’s Most Iconic Broadcaster of the Year.
Ayon sa Asia-Pacific Luminare Awards, kahanga-hanga ang katapangan na ipinapakita ng SMNI sa larangan ng pamamahayag.
Binigyang-diin ng mga awardee na patunay ang mga nasabing pagkilala ng walang sawang pagtitiwala ng taumbayan sa SMNI at higit sa lahat kay Pastor Apollo C. Quiboloy.
Lubos naman silang nagpapasalamat kay Pastor Apollo dahil anila siya ang unang nagtiwala sa kanila.
Lubos namang ikinatuwa ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang mga natanggap na pagkilala ng ilang personalidad ng SMNI at DZAR Sonshine Radio.
Ngayong taon, higit 50 parangal na ang nasungkit ng SMNI mula sa iba’t ibang award-giving body.
Muling pagtitiyak ni Pastor Apollo na makakaasa ang milyun-milyong Pilipino sa SMNI sa larangan ng patas at tamang pamamahayag at serbisyo publiko.