KASABAY ng pagbubukas ng buwan ng Disyembre, isang regalo ang bubuksan ngayong gabi ng SMNI at ito ay ang Christmas Station ID na pinamagatang “Ang Ating Gabay at Tanglaw.”
Tampok sa bagong Christmas ID ng SMNI ang SMNI anchors, journalists and reporters sa iba’t ibang dako ng Pilipinas at sa buong mundo.
Serbisyo publiko para sa sambayanang Pilipino para sa Diyos at sa bayan, para sa Pilipinas kong mahal iyan ang gabay at tanglaw na mula mismo kay Pastor Apollo C. Quiboloy na walang ibang hangarin kundi maiangat ang antas ng pamumuhay ng bawat pamilyang Pilipino.
Magkakaiba man ang ating pananalita, nagkakaisa naman ang ating mga puso sa paggawa, pagtulong, at pagbibigay ng pagmamahal sa bawat isa.
Ito ang nagbibigay ng kaliwanagan sa ating puso at isip na maging kaisa ng Pilipinas nating mahal.