SMNI Exclusive: QC Mayor Joy Belmonte, nakasama si Pastor Apollo C. Quiboloy sa isang one-on-one interview

SMNI Exclusive: QC Mayor Joy Belmonte, nakasama si Pastor Apollo C. Quiboloy sa isang one-on-one interview

SA isang one-on-one interview kasama si Pastor Apollo C. Quiboloy, ibinida ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang mga magaganda nitong proyekto sa lungsod kabilang na ang Culture and Arts Program na ikinatuwa ng butihing Pastor.

Ikinagalak ni Mayor Belmonte ang pagkakataon na makapanayam sa SMNI Exclusive ang butihing Pastor.

Sa nasabing panayam, ibinida ni Mayor Belmonte ang Culture and Arts Program sa lungsod ng Quezon.

Isa na rito ang naipatayong Museum sa Quezon Memorial Circle sa ilalim ng kanyang termino, ito ay ang QCX o Quezon City Experience Museum.

‘’We believe that culture and the arts is part of the soul of your city. Hindi naman tayo nabubuhay lang na para tayong mga hayop. Ang tao iba ‘yan, kailangan pakainin din ang ating mga kaluluwa. We have to feed our souls and mind and our hearts. So, culture is an important part of our agenda,’’ ayon kay Mayor Belmonte.

Samantala, ikinatuwa naman ni Pastor Apollo ang Culture and Arts Program ni Mayor Belmonte.

‘’This is very interesting to me..with your help,’’ saad ni Pastor Apollo.

Nagpahayag naman ng suporta si Mayor Belmonte sa alok na maging bahagi ng programa na magpapakita ng ating kasaysayan at kultura.

‘’If talagang ituloy ni Pastor happy to be part of that project,’’ paliwanag ni Mayor Belmonte.

Bukod dito, isa rin sa mga adbokasiya ni Mayor Belmonte ang pangangalaga sa kalikasan.

Sa katunayan, isa si Mayor Belmonte sa kasapi ng C-40 Cities Climate Leadership Group na may layuning pangalagaan ang kalikasan upang malabanan ang climate change.

Isa sa pangunahing layunin ng grupong C-40 ay makabuo ng 50 million jobs sa buong mundo sa taong 2030.

Ipinagmalaki nito ang green jobs sa lungsod ng Quezon City.

Aniya, ang green jobs na ito ay bilang tugon sa pandemya at food security sa lungsod.

‘’Yung layunin lang naman ng ating urban farms is to be able to supply livelihoods to those who really in need, it is part of our recovery program and also to provide nutritious food kasi nung panahon ng pandemya namigay tayo ng food packs puro naman de lata.  So hindi nutritious ang kinakain ng ating mamamayan. Ngayon, the objective of these is ‘yung nawalan ng trabaho mabigyan ng pagkakataon na pagkakitaan ang mga farms, pangalawa makakain naman ng nutritious food ang ating pong mga mamamayan at least those who are in stressful in crisis situations and of course to provide food security to the hungry,’’ saad ni Mayor Belmonte.

Samantala, sa ngayon ay nakapagpatayo na ang lungsod ng Quezon ng 687 urban farms kung saan 16,000 urban farmers ang natulungan nito.

Follow SMNI NEWS in Twitter