ISA ang Brgy. Awang ng Datu Odin Sinsuat, Maguindanao del Norte sa mga benepisyaryo ng nationwide relief operations ng SMNI Foundation at Chinese Embassy.
At sa ganitong panahon ng pagtutulungan, hindi alintana ng mga volunteers ng SMNI Foundation ang oras at pagod, makapagbigay lang ng pag-asa at ngiti sa ating mga kababayang nangangailangan.
“Napakasaya po dito sa Brgy. Awang dahil nakatanggap sila ngayon ng maraming balde-baldeng relief goods dito sa mga nasalanta sa Bagyong Paeng dito sa Brgy. Awang. Ang mga residente dito na tinutulungan ni Pastor, grabe ang saya dahil hindi nila inakala na ganoon karami ang natanggap na pagpapala mula kay Pastor Apollo C. Quiboloy. Ngayon, umuwi sila na napakasaya talaga nila,” ayon kay Gemma Sanchez – SMNI Foundation Volunteer.
“Yung bigas po na natanggap ng mga evacuees ay alam po natin na ito yung pinakabasic needs ng bawat isa. Para sa ating mga nag-evacuate na nakatanggap ng isang sako ng bigas ay alam kong napakahalaga nito para sa kanila upang masustain ang kanilang pang-araw araw na pangangailangan,” pahayag ni Najir Abubakar – Office of the Mayor, Datu Odin Sinsuat.
“About naman sa bottle water malaking tulong po talaga ito kasi last Bagyong Paeng talagang nagkaroon kami ng problem sa water district, sa ating population area. Nagkaroon ng 3 days na wala kaming tubig. So wala kaming pagkukunan except sa mineral water. Lalo na ngayon na mayroon kaming tig-iisang cases ng mineral water. Napakalaking tulong po na galing kay Pastor Quiboloy,” ayon naman kay Feby Acosta – Liason Officer, Brgy. Awang.
Nakatanggap ng higit pa sa kanilang mga pangangailangan ang mga residente ng Brgy. Awang.
Sa konting sandali, kahit papaano, ay kanilang nalimutan ang sakit dulot ng masalimuot na trahedya.