TUMUNGO sa Maguindanao ang SMNI Foundation at People’s Republic of China kahapon para mamahagi ng tulong sa mga naapektuhan ng Bagyong Paeng.
Naibahagi ang tulong sa bayan ng Parang at Datu Odin Sinsuat sa Maguindanao kung saan daan-daang mga benepisyaryo ang makatatanggap ng ayuda mula sa dalawang lugar.
Nitong Lunes, Nobyembre 7 naman sinimulan ang pamamahagi sa 600 pamilya sa Brgy. Dila, Bay, Laguna at Brgy. Calitcalit, San Juan, Batangas.
Nakatakdang ipamahagi naman ngayong araw, Nobyembre 9 ang relief operations sa Visayas na isasagawa sa Capiz at Aklan.
Ito na ang ikatlong araw sa 3-day series na relief operations ng SMNI Foundation para sa mga nasalanta ng Bagyong Paeng.
Ang nasabing relief operations ay sa pamamagitan ng inisyatiba nina Pastor Apollo C. Quiboloy at Chinese Ambassador to the Philippines Huang Xilian para sa mga labis na naapektuhan ng Bagyong Paeng sa Luzon, Visayas at Mindanao.
Para sa mga nais tumulong, ipadala lamang po ang inyong donasyon sa SMNI Foundation.