SMNI Foundation Inc. at Chinese Embassy, nagpatayo ng basketball court sa Dagami, Leyte

SMNI Foundation Inc. at Chinese Embassy, nagpatayo ng basketball court sa Dagami, Leyte

HINDI maikakaila na mahilig ang mga Pilipino sa paglalaro ng basketball mapabata man o matanda, ang basketball ay larong hindi nila palalampasin.

Sa Brgy. Cabariwan sa Dagami, isang third class municipality sa probinsiya ng Leyte, ang pinakabagong lugar na napili ng SMNI Foundation Inc. kasama ang People’s Republic of China Embassy in the Philippines upang itayo ang basketball court.

Pinasinayaan ito nitong Miyerkules ng umaga, Nobyembre 1, 2023 kasama sina Engr. Edwin Labanta ng Leyte Provincial General Services Office na nagsilbing kinatawan ni Leyte Gov. Jericho Petilla, Dagami Municipal Administrator Antonio del Pilar, Brgy. Cabariwan chairman Leonardo Pedriquiz.

Present din si Chinese Embassy Counselor Ji Linpeng at SMNI anchor at volunteer ng SMNI Foundation Inc. na si Admar Vilando.

Una nang nagtayo ng basketball court ang SMNI Foundation sa Brgy. Tamayong Calinan Davao City katuwang ang Chinese Embassy.

Inaasahang magpapatuloy ito sa marami pang lugar sa bansa.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter