TAPAT sa pangako nitong magbigay ng saya at tulong sa mga nangangailangan, nagsagawa ang SMNI Foundation Inc. ng isang Christmas gift-giving activity sa Brgy. Sauyo Quezon City, nitong weekend.
Namahagi ng Noche Buena packages ang SMNI Foundation sa daang-daang pamilya ng nasabing barangay.
Isang libong set ng grocery packs ang ibinigay ng SMNI Foundation sa mga natukoy na marginalized sector sa loob ng komunidad.
Nagpahayag naman ng pasasalamat ang mga residente sa SMNI Foundation dahil alam nilang may ihahanda sila para sa Noche Buena.
Ang mga Noche Buena packages na ito, anila, ay malaking tulong sa kanila lalo na sa mga panahong ito na mataas ang presyo ng mga pangunahing bilihin.
“Lumago pa po ang SMNI. Tumagal pa po. Makatulong pa po ng marami sa tao. Kay Pastor Quiboloy maraming, maraming salamat po. At mabigyan pa po kayo ng mahabang buhay. At lahat ng problema niyo alam kong malulutas niyo po. Maraming maraming salamat at Merry Christmas po Pastor,” ayon kay Gina Aquino, Beneficiary.
“Malaking tulong po sa akin. Solo parent po ako. Ako na lang. Wala na akong katuwang. Kaya marami maraming salamat at dumating ‘yung biyaya sa akin ngayon. Malaking tulong na po. Mayroon kaming pagsaluhan ng anak ko. Apat po kami,” wika ni Nancy Francisco, Beneficiary.
“Pastor maraming salamat po. Malaking tulong po Pastor na binigyan niyo po kami ng biyaya,” ayon naman kay Nancy Francisco, Beneficiary.
“Pastor maraming salamat po. Merry Christmas po,” ayon naman kay Christita Estremos, Beneficiary.
“Maraming maraming salamat po at kahit papaano mayroon na kaming ihahanda sa Pasko at Bagong taon,” pahayag ni Alona Tamayo, Beneficiary.