TULAD ng inaasahan, inaprubahan sa Kamara ang panukalang batas na layong tanggalan ng prangkisa ang SMNI.
Ang score—284 ang pabor, 4 ang hindi, at 4 ang hindi bumoto.
Ngunit ayon sa legal team ng SMNI, matagal nang luto ang panukalang revocation.
Ayon kay Atty. Mark Tolentino, isa sa mga abogado ng network, sa unang committee hearing palang ay halatang cooking show ito.
Paliwanag niya, revocation talaga ang pakay ng pagdinig at hindi para bigyan ng patas na laban ang network.
At tila, minamadali ang approval nito mula sa committee level hanggang sa plenaryo.
‘‘After nilang mabotohan ng Congress, ‘yung sa Committee… After nilang magbotohan, wala pang limang minuto may committee report na. Ang bilis, ibig sabihin—’yung mga hearing-hearing, moro-moro ‘yun pero may desisyon na pala,’’ pahayag ni Mark Tolentino, Legal Counsel, SMNI.
Nagpadala ng position paper ang SMNI sa mahigit 60 kongresistang miyembro ng legislative franchises panel.
May commitment naman ang komite ayon kay Tolentino na basahin ang position paper pero…
‘‘Sabi nila, ‘yung position paper basahin daw nila sa plenary—unfortunately walang nangyaring pagbabasa—hindi nila binabasa ‘yung position paper natin sa 2nd reading even the third reading,’’ ayon pa kay Atty. Tolentino.
Kahit ordinaryong mamamayan, maiintindihan ang paliwanag ng SMNI sa position paper na binabanggit ni Tolentino.
Nakapaloob dito ang simpleng sagot sa apat na violation na ipinipilit ng Kamara na ipahid sa network.
May indefinite suspension ang National Telecommunications Commission (NTC) laban sa operasyon ng SMNI sa free TV and radio.
‘Yan ang dahilan kung bakit tayo unavailable sa ngayon sa Analog and Digital TV, maging sa AM radio. Pero, kuha pa rin naman ang SMNI sa daan-daang independent Cable TV operators nationwide—pati na sa iba’t ibang social media avenues.
Sa kabila nito, nakumpirma naman ng network na hindi press freedom ang issue ng SMNI Franchise revocation.
Malinaw na politika—lalo’t ang SMNI ang sounding board ni Dating Pangulong Rodrigo Roa Duterte.
Ang dating Pangulo na pinagkakatiwalaan pa rin ng taumbayan hanggang ngayon.
At ang dating Punong Ehekutibo na tanging may tapang na pumuna sa mala-silent martial law na pamamahala ng Pangulo ngayon… na anak ng DIKTADOR.
‘‘May mga nakausap akong officials ng NTC, even the congressmen. Humingi nga ng tawad ‘yung isang congressman, ang sabi nila Atty. Mark pasensya na ha? Trabaho lang, may sinunod lang kami. Ibig sabihin, hindi talaga sila nag-base sa evidence,’’ dagdag pa ni Tolentino.