MULING kinilala ang Sonshine Media Network International (SMNI) bilang Best Trusted News Broadcasting Company ng Golden Globe Annual Awards ngayong taon.
Mga naglalakihang korporasyon, kompanya at personalidad ang kabilang sa mga pinarangalan ng isa sa pinakaprestihiyosong parangal hindi lang sa Pilipinas kundi maging sa ibang bansa.
Ngayong taon ang SMNI na pinamumunuan ng kilalang mangangaral, pilantropo, environmentalist, at edukador na si Reverend Doctor Pastor Apollo C. Quiboloy, ang nag iisang media outlet na nakasungkit bilang Best Trusted News Broadcasting Company International Awards.
Ang Golden Globe Annual Awards for Business Excellence ay isang award-giving body para sa natatanging korporasyon at personalidad mula sa iba’t ibang larangan.
Ang pagkilalang ito ay sa pakikipatulungan ng National Data Research Examiner and Marketing Services Inc.
Sa kanilang ikalabin-apat na taong pagdaraos sa pagkilala ng mga prominenteng industriya at personalidad, kaakibat nito ang inspirasyon.
Sa bawat tao para magpatuloy sa magandang adhikain, mga gawa, pagtulong sa larangan ng pamamahayag, siyensiya, edukasyon at pagninegosyo.
Nito lamang nakaraang linggo, tinanggap rin ng SMNI ang pagkilala ng World Class Philippine Council bilang Most Innovative Multimedia Network sa bansa.
Nauna nang ipinangako ng chairman ng SMNI na si Pastor Apollo C. Quiboloy na magiging alternatibong media outlet ang SMNI, katuwang sa tapat, at makatotohanang pamamahayag partikular na sa pag-angat ng kamalayan ng mga Pilipino sa pagbibigay ng malasakit at pagmamahala sa bansa.
Tunay ngang malayo na ang nararating ng SMNI sa larangan ng pamamahayag at lalago pa ito dahil sa walang halong politika, makatotohanan at hindi nababayarang pagbabalita saan mang panig ng bansa.