KINILALA ang Sonshine Media Network International (SMNI) bilang isa sa mga World Class Philippine Company sa larangan ng Most Innovative Multimedia Network sa ginanap na World Class Phillipines Awards 2021 nitong Sabado.
Ito ay dahil sa mga katugampayan at mga nagawa ng TV Network sa larangan ng multimedia sa bansa.
Una nang sinabi ni SMNI Chairman Pastor Apollo C. Quiboloy na nakalaan para sa nation building ang TV network nito.
Ang SMNI ang tanging istasyon sa bansa na nagsisiwalat sa mga masasamang adhikain at gawa ng CPP-NPA-NDF sa pamamagitan ng programang Laban Kasama ang Bayan.
Naipapalabas naman sa programang Special Reports ang mga isyu na kinahaharap ng bansa tulad na lamang sa War on Drugs, Oligarchy, at iba pa.
Mapapanood din sa SMNI ang mga proyekto at ang magagandang gawa sa ilalim ng Duterte Administration tulad na lamang ng Build, Build, Build Program, AFP Modernization at Malasakit Centers.
Bukod sa mga programang kaagapay ng gobyerno sa nation building, mayorya sa mga programa ng SMNI ay nakalaan sa spiritual na kaliwanagan mula mismo sa butihing Pastor.
Tiniyak naman ni Pastor Apollo Quiboloy na magpapatuloy ang SMNI sa paghahatid ng mga balitang totoo na aniya ay hindi nababayaran at hindi bias.
Pastor Apollo at SMNI, humakot ng parangal sa bansang Amerika
Kamakailan lang din ay kinialala bilang ‘Outstanding Humanitarian Pastor of the Year’ si Pastor Apollo C. Quiboloy sa 20th Gawad Amerika Awards na ginaganap sa Hollywood, California.
Ito ang pangatlong pagkakataon na binigyan si Pastor Apollo ng parangal mula sa Gawad Amerika Foundation dahil sa kanyang natatanging pamumuno at pilosopiya.
Una syang pinarangalan noong 2013 habang ginawaran sya bilang ‘International Pastor of the Year’ noong nakaraang taon.
Samantala, kinilala rin ang SMNI USA bilang ‘Most Outstanding Filipino-American Documentary News Media of the Year’ na pinapangunahan din ng butihing Pastor.
BASAHIN: Pastor Apollo C. Quiboloy, pinarangalan bilang ‘Humanitarian Pastor of the Year’