SMNI, KJC, Pastor ACQ, gumawa ng kasaysayan sa Malaysia matapos maorganisa ang pinakamalaking pagtitipun-tipon ng OFWs

SMNI, KJC, Pastor ACQ, gumawa ng kasaysayan sa Malaysia matapos maorganisa ang pinakamalaking pagtitipun-tipon ng OFWs

GUMAWA ng kasaysayan ang Sonshine Media Network International (SMNI) at Kingdom of Jesus Christ (KJC) ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa bansang Malaysia.

Ito ay matapos na maorganisa ang pinakamalaking pagtitipon ng mga overseas Filipino worker (OFW) sa Malysia.

Ang bansang Malaysia ay tahanan ng halos 1 milyong mga Pilipino batay sa impormasyon mula sa Philippine Embassy rito.

Karamihan sa mga ito ay mga OFW na araw-araw nagsasakripisyo na malayo sa kanilang mga kamag-anak at pamilya na naiwan sa Pilipinas.

Marami sa mga OFW rito ay mga household service workers o kilalang domestic helpers.

Ilan pa sa mga malimit trabaho ng mga Pinoy rito ay may mga construction worker, factory workers, engineers, IT professionals, mga guro, medical and healthcare professionals, nasa sales and retail at iba pa.

Gaya ng ibang iba ring mga OFW sa buong mundo, maliban sa paggamit ng bagong teknolohiya o gadgets gaya ng cellphones, ay ang pagtitipun-tipon ng mga Filipino community rito bilang panlaban sa araw-araw na pangungulila.

Kaya naman ang SMNI at Kingdom of Jesus Christ ni Pastor Apollo C. Quiboloy ay nagsasagawa at nag-oorganisa ng pagtititipon hindi lang para sa mga miyembro nito kundi  pati na rin ang ibang mga Pilipino.

Ngayong taon isinagawa sa kabisera ng Malaysia sa Kuala Lumpur, ang ika-pitong young and adult camp.

Mas dumami pa ang lumahok sa Young and Adult Camp ngayong taon ng Kingdom of Jesus Christ at ng SMNI dito sa Malaysia.

Sa tala ng mga organizer, umaabot sa mahigit 2,000 ang lumahok na mga OFW mula sa iba’t ibang lugar o estado dito sa Malaysia.

Hindi pa sumisikat ang haring araw, nasa UNITEN Sports Arena, sa Kuala Lumpur, Malaysia na ang ilan mga delagado ng 7th Young and Adult Camp.

Bus-bus ng mga delegado mula sa malalayong estado ng Malaysia ang dumating para makiisa sa taunang pagtitipon.

Marami rin sa mga delegado ay hanggang 6 na oras binyahe para makasali sa isang araw na event.

Ang mga team ay mula sa: Melaka, East Johor Bahru, Northwest Kuala Lumpur, North Penan, West Johor Bahru, South Penang, Perak, at Southeast Kuala Lumpur Cyberjaya.

Naging mga pangunahing panauhin sa event si OFW Party-list Rep. Marissa Del Mar Magsino, at Overseas Workers Welfare Administration (OWWA) administrator Arnel Ignacio.

Present din ang mga kinatawan mula sa Philippine Embassy sa Malaysia, at mga leader ng iba’t ibang Filipino community o grupo sa Malaysia.

Dumalo rin ang mga leader ng KJC mula sa Singapore, Thailand, at Singapore.

Sa kaniyang talumpati, ay kinilala ni Cong. Magsino ang sakripisyo ng bawat OFW sa Malaysia.

Hindi rin nito kinalimutan ang pagpapaabot ng pasasalamat sa The Kingdom of Jesus Christ, SMNI at Pastor Apollo C. Quiboloy dahil pinangunahan, ang matatatak na sa kasaysayan, na pinakamalaking pagtitipon ng mga Pinoy sa bansang Malaysia.

Kasabay rin nito ang pag-imbita sa mga OFW na panoorin at tangkilikin ang kaniyang programa sa SMNI na “OFW Ikaw ang Bida!”

Unang pinaglabanan ng mga team ay ang power dance competition.

Sa huli ay tinanghal bilang 3rd runner up sa power dance competition ang North Penang Team, 2nd runner up naman ang South Penang at 1st runner up naman ang Northwest Kuala Lumpur.

Ang hinirang naman na kampeon sa powerdance competition ay ang team mula sa Melaka.

Bago naman nag-umpisa ang choir competition ay nagbigay muna ng talumpati si OWWA administrator Arnel Ignacio pagdating nito sa venue.

Hindi rin nito pinalampas ang pagpapasalamat sa The Kingdom of Jesus Christ, SMNI at kay Pastor Apollo C. Quiboloy.

Nakipagkulitan din ito sa mga OFW, kasabay ang pagpapa-selfie sa mga ito.

Sa choir competition naman ay hindi nagpahuli sa pag-awit ang mga team.

Ang nanaig sa choir competition at nakuha ang kampeonato ay ang Team Perak.

Sa hapon ay agad nilaro ang men’s basketball competition.

Sabayang din isinagawa ang male at female volleyball competition.

Matapos ang matinding bakbakan ay itinanghall na kampeon sa men’s volleyball ay ang Team Cyberjaya.

Habang sa female volleyball naman, ang naging kampeon ay Team West Johor Bahru.

At nakuha naman ng West Johor Bahru ang kampeonato sa men’s basketball.

At matapos isang masaya at punong-puno ng energy na kompetisyon ay itinanghal na grand champion ang team mula sa West Johor Bahru.

Sa huli ay lubos ang pagpapasalamat ng lahat ng mga team, manalo man o matalo, kay Pastor Apollo C. Quiboloy, na siyang nanguna para maorganisa ang taunang event na ito.

Inaasahan na sa susunod na taon ay marami pang mga competition ang isasalang para mga Pinoy na lalahok ng taunang pagtitipon na ito.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter