MULING itinaas ng Sonshine Media Network International (SMNI) ang antas ng political debate ng Pilipinas.
Ayon kay Atty. Ferdinand Topacio, ang mga tanong aniya ay hindi pang-game show o palaro lamang bagkus, ito ay nagmumula sa mga matitinik na utak mula sa public service at academe kung saan may lalim at may sustansya.
Pinuri rin ng abogado ang pag-handle ng panelists sa umiinit na talakayan lalo na nang magkaroon ng tila bangayan sa pagitan ng ilang kandidato.
“Magaling ang ating panelists na-difuse nila ‘yung tension, magaling din ang ating moderator na si Attorney Karen Jimeno sapagka’t na-prevent nila na mag-escalate itong init kanina at bumalik po sa topic. Dapat ‘tong mga ito ay maging peace negotiator sa Ukraine eh,” ayon kay Topacio.
Higit sa lahat, pinuri ni Topacio si Pastor Apollo sa pag-organisa ng ganoong uri ng political debate.
Aniya, maraming natututunan ang lahat sa naturang format ng debate kung saan iba’t ibang malalalim na isyu ang napag-usapan.
“I think the nation awes Pastor Apollo C. Quiboloy a debt of gratitude for undertaking this kind of debate ‘yung sa presidential man, sa senatorial at kita niyo naman apat na oras hindi nyo po nararamdaman sapagka’t hindi po lamang ninyo nakikilala ang pagkatao at ang plataporma ng kandidato kundi may natutunan pa po kayo –history, batas, tungkol sa Sabah, tungkol sa juvenile reform law – lahat po yan natututunan nyo eh ako mismo abogado na ako may natutunan pa akong bago sa gabing ito,”saad ni Atty Topacio.