MULING humakot ng mga parangal ang Sonshine Media Network International (SMNI) sa pangunguna ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa Best Choice Awards 2022 kamakailan.
Kinilala ng award-giving body ang SMNI bilang ‘Trusted Media in Broadcasting and Promoting Peace and Nation Building’ na ginanap sa Twin Lakes Hotel sa Tagaytay City.
Sa kanyang mga TV program, binibigyang diin ni Pastor Apollo na inilalan niya ang SMNI para sa nation building.
Ang SMNI ay may mga programang nagbibigay-liwanag sa mga mahahalagang isyu na kinakaharap ng ating bansa tulad ng ‘Special Reports’ at iba pang dokumentaryo.
Ang SMNI din ang tanging network sa Pilipinas na may programang tumutulong sa gobyerno sa laban nito kontra insurhensiya at terorismo.
Kinilala rin ng prestihiyosong award-giving body ang nightly show ng SMNI, ang SMNI Nightline News bilang ‘Outstanding News and Commentary Show.’
Ngayong taong 2022, ang SMNI ay nakatanggap ng mga maraming parangal mula sa iba’t ibang award-giving bodies.
Gaya ng ipinangako ng Honorary Chairman nitong si Pastor Apollo C. Quiboloy, ang SMNI ay magpapatuloy na maging alternatibong media outlet, na walang pag-aalinlangan sa paghahatid ng tapat at makatotohanang balita.
Inorganisa ng World Class Philippines Council, ang Best Choice Awards 2022 na ginanap noong Agosto 20 sa Twin Lakes Hotel sa Tagaytay City.
Kinikilala ng Best Choice Awards 2022 ang mga namumukod-tanging korporasyon at personalidad sa mga industriya ng media, entertainment, negosyo, entrepreneurship, kalusugan, at wellness.