MARIING ipinaglaban ni Chairman Ronald Cardema ang katotohanan na mahalaga, kung saan binigyang-diin ang papel ng SMNI sa paglalahad ng mga gawain ng New People’s Army at ang pagnanais ng mga Pilipino na ito’y matuldukan. Ayon sa kanya, ang SMNI lamang ang tanging TV outlet na nagsisiwalat ukol dito.
“Ipinaglalaban natin ang katotohanan-truth that matters ng SMNI at ang katotohanan diyan, gusto ng mga Pilipino na matapos na itong New People’s Army at isa lamang ang TV outlet na nagsisiwalat sa kanila—ang SMNI,”pahayag ni Chairman Ronald Cardema, Duterte Youth Paty-List.