SMNI, negative sa loob ng Kamara sa 2024 SONA ni PBBM

SMNI, negative sa loob ng Kamara sa 2024 SONA ni PBBM

HINDI pinayagan ang SMNI na mag-cover sa loob ng Batasang Pambansa para sa 2024 State of the Nation Address (SONA) ni Bongbong Marcos.

Ayon sa consultant ng network na si Jay Sonza na isa ring beteranong newsman, hindi inaprubahan ang accreditation ng technical team ng network.

Wala ring inilaang puwesto para sa SMNI sa north wing lobby ng Batasang Complex kung saan nakahilera ang mga broadcast set-up ng iba’t ibang news organization sa bansa para i-cover ang pagpasok ng mga VIP sa red carpet entourage papuntang plenary ng House of Representatives.

“‘Ang problema, ayaw po nila kaming bigyan ng accreditation doon sa aming technical and logistical support team. Kasi daw, bakit pa kami magla-live eh, social media lang naman? Ang tanga-tanga, bobo talaga eh. Kahit na social media, kahit New Media, kahit mainstream media, hindi pwedeng mag-live na mga walang technician, walang engineers,” ayon kay Jay Sonza, SMNI Consultant.

Bilang bahagi ng public affairs function ng SMNI, kabilang ang taunang SONA ng Pangulo sa pinaghahandaan ng network.

At kada taon, hindi nawawala ang himpilan, kasama ng ibang news organization, na pumuwesto sa Kamara para i-cover ang SONA.

Pero, nag-iba ngayong taon dahil nagpasa sa Kamara ng panukalang batas para i-basura ang franchise law ng SMNI.

Ang Kamara din ang basehan ng National Telecommunications Commission (NTC) para patawan ng indefinite suspension ang network na hanggang sa ngayon ay patuloy na umiiral.

Nag-ugat naman ang mga hakbang ng Kamara laban sa SMNI nang tanungin ng isa sa program anchors nito na si Jeffrey ‘Ka Eric’ Celiz kung totoo bang umabot sa P1.8-B ang travel funds ng Office of the Speaker sa nakaraang taon.

“Anyway, so hindi na po namin ipipilit ‘yan. Para lang malaman ng — kasi baka sabihin na naman ng mga — “oh tingnan niyo SMNI, galit kay Marcos, hindi sila nag-live.” Di ba? Kaya nililiwanag po natin ngayon pa lang. Para at least malaman ninyo, gustuhin man namin, para maging pantay, sila na ho, dinis-approve ho ng Malacañang at saka ng Office ni Speaker, ang accreditation ng aming technical team. E, hindi po kami pwedeng mag-live ng direct from the Batasan complex. Salamat po,” ayon pa kay Sonza.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble