SMNI News, binigyan ng pagkilala ng NTF-ELCAC

SMNI News, binigyan ng pagkilala ng NTF-ELCAC

BINIGYAN ng pagkilala ng National Task Force to End Local Communist Armed Conflict (NTF-ELCAC) ang SMNI News dahil sa kontribusyon at suporta nito sa mga ginagawang hakbang ng pamahalaan kontra insurhensiya.

Ayon kay NTF-ELCAC Executive Director Undersecretary Ernesto Torres Jr., malaki ang kanilang pasasalamat na katuwang nila ang SMNI News sa pagbibigay ng tama at mahahalagang impormasyon upang labanan ang maling idelohiya at pigilan ang ilegal na pangre-recruit ng komunistang teroristang grupong CPP-NPA-NDF lalo na sa mga kabataan.

Ang naturang aktibidad ay kasunod ng ginawang Top Management Strategic Communications Workshop ng NTF-ELCAC na kung saan tinalakay ang mga ginagawang karahasan ng mga terorista.

Kung matatandaan, binuo ng SMNI News sa pangunguna ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang programang Laban Kasama ang Bayan na kung saan tatlong oras na tinatalakay ang mga pangunahing isyu na kinakaharap ng ating bansa at nagsilbi rin itong daan upang mabigyan ng boses ang ating mga kababayang katutubo.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter