SMNI News, dapat masama sa survey ng mga pinagkakatiwalaang media network sa Pilipinas- Austin Ong

SMNI News, dapat masama sa survey ng mga pinagkakatiwalaang media network sa Pilipinas- Austin Ong

DAPAT masama ang SMNI News sa hanay ng mga pinagkakatiwalaang media network sa bansa ayon kay Austin Ong, Research Director ng Integrated Development Studies Institute (IDSI).

Sa pinakahuling survey ng International News Organization na Reuters, tinukoy nito ang mga malalaking media entity sa Pilipinas.

Pero hindi pa kasama ang Sonshine Media Network International o SMNI News sa Survey.

Para sa isang mananaliksik, dapat kasama ang SMNI sa hanay ng mga pinagkakatiwalaang media network sa brand score survey ng Reuters.

“I think there are some international ranking and may mga scientific methodology sila doon eh. Pwede nating e-propose na next year dapat talaga kasama na ang SMNI kasi malaki talaga ang role no in championing and defending for now and ever,”ayon kay Director Austin Ong.

Para kay Ong at sa research institute na kinakatawan nito, nakikita nila ang patas na pagbabalita ng network.

“I think the most important is because you are not afraid to ask both sides, ofcourse we should both sides of the story and let the audience decide for themselves no. Di katulad ng iba hindi na natin sila papangalanan no yung isang side lang kinukuha nila kasi yun lang gusto nilang perspektibo na gusto nilang ilabas sa balita nila no. Kasi ang taumbayan naman, ibigay mo sa kanila ang dalawang side no sila mismo ang magde-decide kung ano ang maganda sa kanilang buhay, kinabukasan at para sa bansa din no,”dagdag nito.

Pinayuhan din nito ang publiko na mag-ingat sa paglaganap ng mga fake news at fake survey.

“Alam natin yung survey ni Rappler diba pinost nila tapos nahuli ng netizen na rigged yung survey nila diba. Na yung bumoboto pala kay Leni ay mga Arabo tsaka mga Vietnamese. Tapos dinelete ni Rappler ang survey,”ayon kay Ong.

“Kung ngayon kaaga ginagawa na nila yan, mas aasahan natin na magiging mas grabe pa yan at lalo pa nating maging vigilant at protect our right to vote,”saad nito.

SMNI NEWS