SMNI News, kikilatisin ang turismo ng Dipolog at Dapitan sa Zamboanga del Norte

SMNI News, kikilatisin ang turismo ng Dipolog at Dapitan sa Zamboanga del Norte

VERY exciting ang nakalinyang schedule ng SMNI Newsteam ngayon at sa mga susunod na araw na inihanda ng Department of Tourism (DOT) tampok ang mga nagagandahang lugar sa lungsod ng Dapitan at Dipolog sa Zamboanga del Norte.

Nitong Lunes, ipinakilala ng Department of Tourism Region 9 ang kanilang programang “L4D: Laag na! Dali sa Dipolog, Dapit sa Dapitan!”

Ang programang ito ay naaayon sa Lakbay-Lahi Program ng DOT kung saan itatampok ang tatak Pinoy sa lahat ng aspeto ng travel at tourism experience.

Ibibida ng Region 9 ang twin cities ng Zamboanga del Norte, ang Dipolog at Dapitan.

Sa loob ng dalawang araw ay maeexperience ang malawak na kultura, masasarap na pagkain at magagandang tanawin na handog ng dalawang lungsod.

Sa Dipolog, patatakamin at aalamin natin ang kuwento sa likod ng patuloy na pag-usbong ng industriya ng Spanish Sardines.

Hindi rin natin palalagpasing mapuntahan ang mga ipinagmamalaking pasyalan ng Dipolog.

Kung yaman lang din sa kultura at putahe ang pag-uusapan, hindi magpapahuli ang Dapitan.

Titikman natin ang iba’t ibang putahe na kilala sa lugar kabilang na rito ang paboritong pagkain ni Dr. Jose Rizal.

Mag-eenjoy rin tayo sa nagagandahang dagat at paglalaro sa mala-pulbos na buhangin ng Dapitan.

Nariyan din ang nakaka-excite na water adventure na handog ng Dakak Resort at kakaibang experience sa Glorious Fantasyland tampok ang Lakbay Pinas Tour at Snow World Tour.

Umaasa ang DOT na tataas pa ang bilang ng mga turista na bibisita sa Zamboanga del Norte at maging sa iba pang bahagi ng Mindanao.

Layon din ng DOT na mabago ang pananaw ng publiko sa Mindanao at kikilalanin ang lugar dahil sa natatanging ganda ng kultura at tanawin dito.

Follow SMNI NEWS in Twitter