SMNI News, tumanggap ng pagkilala mula sa Anti-Red Tape Authority

SMNI News, tumanggap ng pagkilala mula sa Anti-Red Tape Authority

HINDI matatawarang pasasalamat ang ipinaabot ni Anti-Red Tape Authority (ARTA) Secretary Ernesto Perez sa SMNI News at kay Pastor Apollo C. Quiboloy.

Ito ay dahil sa pagiging katuwang ng SMNI News sa pagpapaalam sa publiko sa mga programa at proyekto ng ARTA na nakatutulong sa maraming Pilipino.

Pagbibigay-diin pa ni Sec. Perez na nahalintulad niya ang SMNI News Channel sa departamentong kaniyang hinahawakan.

Ito ay dahil sa pagiging visible sa lahat ng kaganapan ng ahensiya lalo na sa hangaring gawing simple ang mga pagdadaanang proseso ng mga Pilipino sa anumang ahensiya ng pamahalaan.

“Maraming salamat po Pastor Quiboloy sa suportang ibinibigay niyo eversince na diyan po kayo hindi niyo kami nakakalimutan,” pahayag ni Sec. Ernesto Perez, ARTA.

“Pastor, malaki po pasasalamat ng ARTA on behalf of the men and women of the Anti-Red Tape Authority. Pastor, thank you for all your support and looking forward to closer collaboration with you,” aniya.

Sa ginanap na 2023 Ease of Doing Business Convention ng ahensiya sa PICC sa Pasay City, isa lamang ang SMNI News sa mga pribadong media entity ang binigyang pagkilala nito.

Kaya naman sa taong 2023, iba’t ibang papuri at parangal na ang natanggap ng SMNI News mula sa iba’t ibang ahensiya ng pamahalaan at maging sa mga pribadong sektor.

Ito ay dahil sa paghahatid ng tama, patas na balita at kalidad na serbisyo para sa mga Pilipino.

“We advocate transparency and accountability dapat ang binabalita hindi lang ‘yung negative even good program and initiatives just like what we are doing for Ease of Doing Business and we appreciate SMNI for that,” dagdag ni Perez.

Una ring tiniyak ni Pastor Apollo sa publiko na ang SMNI News ang magiging katuwang ng pamahalaan sa paghahatid ng makabuluhang balita.

Ang SMNI News ay nakalaan para sa nation-building at magiging katuwang ng pamahalaan para sa pagkakaroon ng mas maunlad at progresibong bayan.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter