SMNI, pinarangalang “Most Viewed News Content on its Social Media Platforms in the Philippines”

SMNI, pinarangalang “Most Viewed News Content on its Social Media Platforms in the Philippines”

MULING nakatanggap ang Sonshine Media Network International (SMNI) ng parangal na iginawad sa Dusit Thani Grand Ballroom, Davao City mula sa Mindanao Peoples’ Excellence Awards.

Kabilang sa ipinarangal ay ang “Most Viewed News Content on its Social Media Platforms in the Philippines”.

Nakatanggap din ng award ang isa pa sa anchor ng SMNI na si Jade Calabroso bilang “Most Promising TV News Anchor of the Year”.

Labis naman itong ikinatuwa ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang tinanggap na award ng SMNI.

Ayon kay Pastor Apollo, dumarami ang tinatanggap na award ng SMNI dahil sa tunay na pagbabalita.

Magugunitang, kamakailan lamang ay umani rin ng apat na awards ang SMNI at mga anchor nito mula sa Asia’s Golden Icon.

Follow SMNI NEWS in Twitter