SMNI Presidential Debate, muling tumanggap ng pagkilala

SMNI Presidential Debate, muling tumanggap ng pagkilala

SA muling pagkakataon ay tumanggap ng pagkilala ang SMNI Presidential Debate matapos iginawad ng 5th Asia Pacific Luminare Awards sa SMNI ang Award of Excellence para sa ginanap nitong world-class na debate sa nagdaang buwan ng Pebrero.

Sinabi ni Perry Escaño, Vice Chair ng  5th Asia Pacific Luminare Awards, malaki ang naiambag ng SMNI sa paggabay sa mga Pilipino sa kung sino ang dapat pipiliin na kandidato ngayong halalan.

“I think nagbigay naman ng magandang platform ang ating presidents (candidates). Nasa tao na po ang pasya kung sino ang karapat dapat na pasya kung paano baguhin ang ating lipunan. Dumaan tayo sa matinding pandemic, kailangan makabangon tayo so piliin natin yung lider na maayos, honest at willing mag-serve sa ating bansa,” pahayag ni Escaño.

Matatandaan na unang nag-trending ang SMNI Presidential Debate matapos itong tanggihan ng apat na presidentiables.

Ngunit mas lalong umani ng atensyon kasunod ng pagpapakita ng isang world class na production, de kalibreng panel of experts at moderator, at pagtalakay sa mga napapanahon at mabibigat na issue.

Hindi rin mapantayan ang inani nitong number of views sa social media sa kabila ng hindi pagdalo ng mga kilalang kandidato.

Ito na ang pangalawang pagkakataon na tumanggap ang SMNI ng pagkilala mula sa Asia Pacific Luminare Awards.

Una nang tinanggap ng SMNI ang Most Innovative Multimedia Network award mula sa World Class Philippine Council.

Ang Best Trusted News Broadcasting Company mula sa Golden Globe for Business Excellence Awards.

Iginawad naman ng Asean Excellence Achievers Award sa SMNI ang Most Truthful Honest Broadcasting Network at Best TV Show naman sa Laban Kasama Ang Bayan.

Samantala, sa layuning patuloy na magabayan ang bawat Pilipino sa matalinong pagboto ngayong halalang 2022 ay sasahimpapawid naman ngayong Marso 26, araw ng Sabado alas dos ng hapon sa SMNI ang The Deep Probe.

Isa itong interview kasama ang anim na kandidato sa pagkapangulo, kabilang ang frontliner na si Ferdinand Bongbong Marcos Jr.

Inaasahang sa nasabing presidential interview, ang mga kandidato na sina Faisal Mangondato, cardiologist Jose Montemayor, labor leader Ka Leody De Guzman, dating National Security Adviser Norberto Gonzales, dating Presidential Spokesperson Ernesto Abella, at dating senador at kasalukuyang presidential frontrunner Ferdinand Bongbong Marcos Jr.

Follow SMNI News on Twitter