SMNI Presidential Debate Part 2, lilitaw kung sino ang hanggang laway lang ang plataporma – Prof. Carlos

SMNI Presidential Debate Part 2, lilitaw kung sino ang hanggang laway lang ang plataporma – Prof. Carlos

PAGHANDAAN na dapat ng lahat na mga kakasa sa SMNI Presidential Debate Part 2 ang malalimang pagtatalakay sa kanilang mga plataporma.

Sa panayam ng SMNI News kay Professor at political analyst Clarita Carlos, sinabi niya na mas malaki na hamon ang SMNI Presidential Debate Part 2 dahil sa kakaiba nitong format.

Lilitaw aniya dito kung sino ang may laman na plataporma o kung hanggang laway lang.

‘’Ibang-iba talaga iyong format. It will be base on what they had promised in their so-called programs in government. So it is not anything new. Kaya nga deep probe kasi lalaliman lang iyon, ito ba iyong pinromisa mo? Anong ibig sabihin mo sa pinromisa mo? Saan ka kukuha ng salapi dito etc. So sana kung sino man iyang mag-accept sa sampu ay talagang masusing talakayin iyan at talagang sasaliksikin kung iyong mga sinasabi nila ay magaganda lang, bulaklak lang ng dila or meron talagang laman,’’ ayon kay Prof. Carlos.

Sinigurado ring muli ni Carlos na walang advance questions na ibibigay sa mga dadalong kandidato.

Samantala, walang kasiguraduhang mailipat ang boto ng isang tao sa isang kandidato kung mambabatikos ito sa kanilang kapwa politiko.

Komento ito ng propesor sa usapin tungkol sa pambabatikos ng ibang presidential candidates sa hindi pagdalo ni Bongbong Marcos at Mayor Sara Duterte sa COMELEC Debate noong March 19.

‘’Iyon bang paninira mo sa ibang hindi nag-attend eh, mata-translate ba iyon sa vote sayo? Is our ex candidate will chastise all those who did not appear. Mata-translate ba iyon na bobotohin kita kasi pinagalitan mo iyong hindi nag-attend? Iyon naman ang challenge eh, otherwise the rest are peripheral,’’ paliwanag ni Carlos.


Follow SMNI NEWS in Twitter