SMNI Senatorial Debate, makatutulong sa mga kandidatong mababa sa survey –Publicus Asia

SMNI Senatorial Debate, makatutulong sa mga kandidatong mababa sa survey –Publicus Asia

NAGLABAS ng senatorial survey kamakailan ang research firm na Publicus Asia sa nagpapatuloy na panahon ng kampanya para sa May 9, 2022 elections.

Kabilang sa mga nanguna sa survey ang ilang nagbabalik sa Senado.

Sa listahan din ng Publicus, mangilan-ngilan lang ang nakapasok na mga bagong pangalan.

Kaya naman sa paparating na SMNI Senatorial Debate ngayong Marso 2,3- giit ng executive director ng Publicus na si Aureli Sinsuat na makatutulong sa exposure ng mga wala sa survey ang pagdalo dito.

‘Kung meron silang magandang panukala, magandang panukalang batas na ilalabas doon sa debate yun lang baka tumaas ang rating nila. Kasi baka mapansin sila ng mga botante,’ pahayag ni Sinsuat.

Sa survey din ng Publicus, number 1 sa isyu ng mga Pilipino sa pagpili ng mga iboboto sa eleksyon ay ang pagbangon ng ekonomiya ng bansa.

Pangalawa ang isyu sa trabaho, sunod ang edukasyon at ang mga isyu ng kahirapan at korupsiyon.

May 12 senatorial candidates na maghaharap ngayong May 2, at panibagong 12 senatoriables ngayong May 3.

Nauna nang sinabi ng pamunuan ng SMNI na magiging platform at issue based ang talakayan ng mga kandidato.

Ito rin ang naunang tiniyak sa publiko ni Pastor Apollo C. Quiboloy sa tagumpay ng nagdaang SMNI Presidential Debates.

Sinsuat:

‘Ang next pahayag national election tracker survey namin magra-run kami sometime in March and I think that’s after your debate no? The SMNI senatorial debate kaya pwede nating tingnan compare natin yung mga February at March numbers yung mga kandidato na yun. At titignan kung talagang may benefit silang nakuha doon sa magandang performance nila sa inyong debate,’ ayon kay Sinsuat.

Follow SMNI News on Twitter