SMNI, sinelyuhan ang partnership sa Okada Manila para sa SMNI Presidential Debates

SMNI, sinelyuhan ang partnership sa Okada Manila para sa SMNI Presidential Debates

KATATAPOS lang ng pagpirma sa Memorandum of Agreement (MOA) sa pagitan ng SMNI at Okada Manila para sa SMNI Presidential Debates na gaganapin sa Pebrero.

Ang MOA signing ay dinaluhan ni Dr. Marlon Rosete, presidente ng SMNI at Ms. Cielo Ortega Reboredo, ang VP for Marketing ng Okada Manila.

Witness din sa pagpirma ang event at media partner para sa SMNI Presidential Debate na si Arnold Vegafria, Presidente ng ALV International at Dante Ang II, ang chairman at CEO ng The Manila Times.

Ang MOA signing ang hudyat na plantsado na ang lahat para sa inaasahang pinakamalaking debate sa 2022 elections na inorganisa ni Pastor Apollo C. Quiboloy, ang founding chairman ng SMNI.

“Since ang posibleng susunod na pinakamataas na lider ng ating bansa ang ating makakasama. Our Chairman Pastor Apollo C. Quiboloy has chosen the best place or the best accommodation na meron tayo sa Pilipinas kaya andito tayo ngayon sa Okada-Manila,”ayon kay Rosete.

“Umaasa kami na ang magandang partnership na ito ay hindi lamang during sa presidential debates, kundi tuloy-tuloy na hanggang sa SMNI vice-presidential at senatorial debates,” dagdag ng SMNI president.

 

BASAHIN: MOA signing para sa SMNI election debates, isinasagawa ngayong araw

Follow SMNI NEWS on Twitter

Leave a Reply

Your email address will not be published.