MULI na namang tumanggap ng karangalan ang Sonshine Media Network International (SMNI) matapos itong bigyan ng pagkilala ng Cooperative Development Authority (CDA) Gawad Parangal.
Kinilala ang SMNI dahil sa patuloy nitong pagsuporta sa CDA sa pamamagitan ng isang partnership na tumutulong sa pagpapalaganap ng polisiya, mga programa, at aktibidad, at ang mga magagandang istorya ng mga kooperatiba.
Ang pagkilala ay iginawad sa araw ng Oktubre 28 sa okasyon ng Gawad Parangal ng CDA.
Bukod sa SMNI, kinilala rin ng CDA ang mga local government units mula sa iba’t ibang bahagi ng bansa dahil sa kanilang suporta sa mga kooperatiba tulad ng mga tulong pinansyal sa cooperative development programs and initiatives.
Ang CDA Gawad Parangal ay isang programa ng Cooperative Development Authority na nagbibigay-pugay sa mga kooperatiba at mga partners nito dala ng kanilang exemplary performance, best practices at good governance.
Ang CDA Gawad Parangal ay isa lamang sa mga pagkilala na tinanggap ng SMNI ngayong taon sa pangunguna ni Pastor Apollo C. Quiboloy, ang Founding Chairman.
Na ang layunin ay ipalaganap ang totoong balita na nakatuon sa nation building.