NAGPAKITANG gilas ang mga empleyado ng SMNI sa taunang SMNI Workers Olympics na sinimulan ngayong Linggo.
Taon-taon hindi nakakalimutan ni Pastor Apollo C. Quiboloy ang mabigyan ng break ang mga workers ng Sonshine Media Network International (SMNI).
Hindi ito basta-basta na break dahil ito ang pagkakataon upang maipamalas ng mga empleyado ng SMNI ang kanilang galing sa larangan ng sports, music, dance, at iba pa.
Kaya naman ngayong taon, mas pinalaki at mas pinalawak ang mga aktibidad at sa unang pagkakataon ay tinawag itong SMNI Workers Olympics.
At tuwing buwan ng Agosto, ay inilalaan ang bawat weekend para sa iba’t ibang events ng SMNI Workers Olympics.
Nitong weekend pormal nang binuksan ang month long activities kung saan may anim na team ang magtatagisan ng galing na ginanap sa Marikina Sports Center.
Empleyado ng SMNI, sumabak sa iba’t ibang sports events
Opening salvo ng SMNI Workers Olympics ay agad nagpasikat ang mga magagaling sumayaw para sa power dance competition.
Hindi rin nagpahuli ang mga kawani ng SMNI ang maipagmalaki ang mga sayaw ng sariling atin sa ginanap na folk dance competition.
Mula sa makukulay na bulaklakan ng Committed Team.
Pag-apir ng Loyal Team.
Karatong folk dance ng Overcomer Team.
Alitaptap folk dance ng Dedicated Team.
Singkil naman ang ipinamalas ng Obedient Team.
Habang regatones naman mula sa Faithful Team.
Nagsilbing panauhing pagdangal at hurado naman sina OFW Party-list Rep. Marissa del Mar Magsino, Atty. Salvador Panelo at dating NSA Sec Hermogenes Esperon, Jr. sa SMNI Workers Olympics.
Hindi lamang maasahan ang SMNI sa paghahatid ng makatotohanan at mapagkakatiwalaang balita.
Dahil pagdating sa iba’t ibang sports events, aba’y hindi magpapahuli ang mga taga SMNI news.
Iba’t ibang athletic events gaya ng 100m dash men’s and women’s division.
Nagpasiklaban din ng galing sa swimming competition para sa men’s and women’s division.
Samantala, sa programa ni Pastor Apollo C. Quiboloy ay kaniyang binati ang mga taga SMNI sa pagbubukas ng Workers Olympics.
Nagpaabot naman ng pasasalamat si Marikina Mayor Marcy Teodoro na napili ni Pastor Apollo na ganapin sa Marikina Sports Center ang pagbubukas ng SMNI Workers Olympics.
Magpapatuloy naman sa susunod na linggo ang iba pang sports events gaya ng basketball, volleyball for men’s and women’s division at iba pang indoor games pati na rin ang pasiklaban ng galing sa musical events.