Smugglers, dapat may mga makulong na –Sen. Gatchalian

Smugglers, dapat may mga makulong na –Sen. Gatchalian

MAGANDA kung may nakakasuhan at nakukulong talaga na smugglers.

Ito ang sinabi ni Senator Sherwin Gatchalian sa panayam ng SMNI News bilang solusyon sa laganap na smuggling sa bansa.

Ayon kay Sen. Gatchalian, marami ang nahuhuli subalit wala namang ni isa ang nako-convict.

Ani Gatchalian, hindi na kailangan pa ng bagong batas para maresolba ang smuggling.

Kailangan lang ang mahigpit na monitoring sa mga importer at masuri kung bakit hindi lumalabas ang suplay sa pamilihan.

Follow SMNI NEWS in Twitter