Smuggling sa agri products, nais paimbestigahan sa Senado

IPINAIIMBESTIGAHAN ni Senate President Tito Sotto sa Senado ang nangyayari umanong large-scale smuggling sa agricultural products.

Aniya hindi lang ang pandemya ang pinakamabigat na kalaban ngayon kung hindi maging ang korapsyon.

“No matter what efforts our farmers exert, no matter how industrious they are, there is a monster that stands in their way to achieve maximum returns, benefits, and incentives. That, my dear colleagues, is the specter of large-scale smuggling of agricultural products,” saad ng opisyal.

Ayon kay sotto, nakasubaybay ito sa mga inilalabas na report ng Bureau Of Customs (BOC) hinggil sa kanilang mga anti-smuggling operations mula May 2021 hanggang noong November 18, 2021.

Mayroon aniya itong nadokumento na 25 operations kung saan nasa Php1 billion ang halaga ng mga na-smuggle.

Kasama aniya sa mga pinaghihinalaang smuggled products ay mga frozen meat, mga high value agri food, bawang, luya, asukal, frozen mackerel, tuna, at carrot.

Sinabi naman nito na mukhang hanggang press releases o pr lamang ang ginagawa ng BOC at walang napaparusahan.

“If we are to base the efficacy of our fight against smuggling on the press releases of the Bureau of Customs, it seems like we are on top of the issue…Upon further investigation, the tally of the press releases visavis the cases filed thereafter does not match. Hindi nagtutugma ang mga operations at ang actual na kaso na dinadala sa korte,” paghahayag ni Sotto.

Giit ng senate chief na dapat mapanagot ang mga BOC personnel na nakikipagsabwatan sa mga smuggler.

Aniya dapat maigawad sa kanila ang lifetime jail o panghabambuhay na pagkakakulong, at pagbayarin ng multa na doble sa halaga ng mga na-smuggle nila.

Dapat din aniya silang magbayad ng tax at duties na iniwasang bayaran ng mga smuggler.

Una nang sinabi ng BOC na handa sila sa anumang imbestigasyon.

SMNI NEWS