WALANG umanong humpay ang smuggling sa Pilipinas ayon sa Federation of Philippine Industries (FPI) sa media sa kauna-unahang National Anti-Illicit Trade Summit, araw ng Huwebes.
Ayon kay FPI Chairman Dr. Jesus Lim-Arranza, ang smuggling ang pinakamalalang economic crime sa bansa.
“We have illicit trade, cartel but the summa cum laude of all economic crimes is no other than smuggling that comes from so many forms,” ayon kay Dr. Jesus Lim-Arranza, Chairman, FPI.
Daan-dang bilyon aniya ang lugi ng gobyerno pagdating sa lahat ng uri ng smuggled na produkto na pumapasok sa kada taon.
“Ang nawawalang buwis sa atin bansa, sa isang pag-aaral namin sa isang unibersidad ay about P250-B a year, value added tax, a value added is 12% di ba. Now kung ‘yon ang pumapasok, ang halaga ng goods na nakapasok na sa mga trillion something. So, ‘yon ay kinain ng mga nagbabayad ng buwis,” ani Arranza.
Sinabi naman ni FPI President Jesus Montemayor, na sa loob ng limang taon ay halos nasa P1-T halaga ng mga produkto ang naii-smuggle o ilegal na naipuslit papasok ng bansa.
Isa sa mga talamak na uri ng ilegal dito sa bansa ay ang negosyong ukay-ukay na paboritong puntahan ng mga ordinaryong mga Pilipino.
Sa ilalim ng batas, bawal o ilegal ang ukay-ukay.
Ayon sa FPI, bilyun-bilyong piso ang talo ng bansa sa ganitong uri ng ilegal na negosyo pero lantaran ang bentahan nito sa kabila ng umiiral na batas.
Pinahihina aniya nito ang textile industry ng bansa.
Sinabi ni Marcos Jr. na bilang ang araw ng mga smuggler sa kanilang 2023 SONA.
Hirit ng FPI na dapat tiyakin talaga ng gobyerno na may makukulong sa ganitong uri ng krimen.
FPI, suportado ang panukala na hindi mabigyan ng piyansa ang mga smuggler
Suportado nito ang panukala na hindi mabigyan ng bail o piyansa ang ang mga smuggler.
“Sinabi nga ni Senator Villar on her hearings, she wants agricultural smuggling considered as economic sabotage, and therefore, there should no bail to be given. Ang smuggling to quote. Takot lang kung hindi na sila makalabas ng kulungan and if it is not bailable,” giit ni Arranza.