Social distancing, mahigpit na ipatutupad sa pag-iral ng community quarantine

MAHIGPIT na ipatutupad ng National Capital Region Police Office (NCRPO) ang social distancing policy sa mga na-establish na checkpoints.

Sinabi ni NCRPO Chief Maj. Gen. Debold Sinas na sisitahin ng mga otoridad ang mga sasakyan na siksikan ang mga pasahero gaya ng mga jeep at bus.

Iginiit ni Sinas na kailangan may gap na isang upuan at maging sa mga pila ay dapat panatilihin ang one meter distance.

Ayon pa kay Sinas, isasailalim sa inspeksyon sa mga designated pick-up point ang mga pasaherong sasakay ng city bus papasok ng Metro Manila.

Siniguro naman ni Sinas na ang mga pasaherong sasakay ng city bus papasok ng Metro Manila ay isasailalim sa inspeksyon sa mga designated pick-up point.

Mga lalabag sa curfew, maaaring arestuhin kung papalag sa mga otoridad

Maaaring arestuhin ang sinumang lalabag at papalag sa pagsita ng mga otoridad sa ipinatutupad na curfew sa Metro Manila sa gitna ng community quarantine dahil sa banta ng coronavirus disease 2019 (COVID-19).

Ayon kay DILG Secretary Eduardo Año, sisitahin ng mga otoridad ang sinumang makikita sa labas habang curfew at aabisuhan ang mga ito na umuwi na lamang kung di rin lamang mahalaga ang lakad nito.

Nilinaw ni Año na tanging ang mga taong may essential travel lamang ang papayagang lumabas sa loob ng curfew mula alas-otso ng gabi hanggang alas-singko ng madaling araw.

Una nang sinabi ni Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) General Manager Jojo Garcia na hindi papayagan ng otoridad ang mga tao na lumabas para mag-strolling, malling o bumisita sa mga kamag-anak.

SMNI NEWS

Leave a Reply

Your email address will not be published.