Social pension ng DSWD para sa indigent senior citizens sa Pasig, ipamamahagi na mula Hulyo 1

Social pension ng DSWD para sa indigent senior citizens sa Pasig, ipamamahagi na mula Hulyo 1

SA ilalim ng Social Pension Program ng DSWD, matatanggap na ng mga kuwalipikadong lolo at lola ang kanilang benepisyo para sa buwan ng Enero hanggang Hunyo ng 2025.

Ang manual payout ay nakatakda mula Hulyo 1 hanggang Hulyo 18, at pangangasiwaan ito ng DSWD–National Capital Region.

Paalala ng DSWD – mga kailangang dalhin:

Para sa mga benepisyaryo, tiyaking dala ang mga kinakailangang dokumento sa araw ng payout.
Kung hindi makakapunta ang mismong senior citizen, maaaring magpadala ng authorized representative, basta’t may dala itong:

* Authorization Letter

* Valid ID ng representative

* Valid ID ng benepisyaryo

Para naman sa mga pamilya ng senior citizens na pumanaw ngayong 2025, maaari pa ring ma-claim ang benepisyo basta’t may kalakip na Warrant and Release from Liability Form.

I-check ang iskedyul ng payout batay sa barangay kung saan kayo nakatira.

Para malaman kung kayo o ang inyong mahal sa buhay ay kabilang sa mga makakatanggap, bisitahin ang opisyal na listahan mula sa Pasig City Public Information Office.

Hindi awtomatikong benepisyaryo ng programang ito ang lahat ng senior citizens na rehistrado sa OSCA.

Kung may karagdagang tanong o paglilinaw, maaring magpadala ng mensahe sa Facebook page ng Pasig City OSCA sa link na naka-flash sa inyong screen:

Muli, ang payout ay mula Hulyo 1 hanggang 18 lamang — kaya siguraduhing ma-claim ito sa tamang araw, nang maayos at kumpleto ang requirements.

Follow SMNI NEWS in Twitter

Follow SMNI News on Rumble