UUWI sa Pilipinas ngayong Enero 2025 si Sofronio Vasquez.
Ito’y para ipagdiwang ang kaniyang pagkapanalo bilang champion ng Season 26 ng ‘The Voice USA‘ kasama ang kaniyang pamilya, kaibigan, at supporters.
Sa isang interview, posibleng Enero 5 babalik si Vasquez sa bansa.
Sa pag-uwi ay ninanais niya na rin na magkaroon ng gathering o presscon bilang pagpapakita ng kaniyang pagpapasalamat sa Pinoy supporters.