SOJ Remulla, dumistansya sa acquital ng kanyang anak sa drug case

SOJ Remulla, dumistansya sa acquital ng kanyang anak sa drug case

DUMISTANSYA at mas pinili ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na manahimik muna sa isyu ng pagkakaabswelto ng kaniyang anak sa kasong drug possession.

Kaninang umaga nang inilabas ng Las Piñas City Regional Trial Court Branch 197 ang 34 pahinang desisyon ni acting Presiding Judge Ricardo Moldez II na nag-abswelto kay Juanito Jose Remulla III ng dahil umano sa reasonable doubt o may pag-aalinlangan.

Ang batang Remulla ay nakumpiskahan ng 900 grams ng high-grade marijuana na tinatayang nagkakahalaga ng mahigit P1.3 milyon noong October 11, 2022 sa controlled delivery o joint operation ng PDEA, Bureau of Customs at iba pang ahensya ng pamahalaan.

Samantala may hiwalay pang reklamong illegal drugs importation laban sa batang Remulla na nakabinbin pa ngayon sa piskalya sa Pasay City.

Follow SMNI News on Twitter