SOJ Remulla, nanindigang sa Maynila gawin ang imbestigasyon laban sa umano’y Socorro Cult

SOJ Remulla, nanindigang sa Maynila gawin ang imbestigasyon laban sa umano’y Socorro Cult

NANINDIGAN si Justice Secretary Jesus Crispin Remulla na sa Maynila idaos ang preliminary investigation laban sa umano’y pang-aabuso na ginagawa ng Socorro Bayanihan Services Inc. sa mga menor de edad.

Mayroon nang gagawing pagdinig ang Senado laban sa Bayanihan Services Inc. na pinamumunuan umano ng isang kulto na si Senyor Agila.

Ang kaniyang organisasyon ay nang-aabuso umano ng mga menor edad.

Ang mga biktima ay inaasahang darating sa Setyembre 27 para dumalo sa mga pagdinig.

Matatandaan, nagsampa ang Caraga Region ng reklamo laban sa 10 katao kasama na si Senyor Agila.

Nanindigan naman si Remulla na dito gawin ang preliminary investigation sa gitna ng panawagan na gawin ang pagdinig sa Sitio Kapihan sa Surigao del Norte.

Di rin pinansin ni Remulla ang dahilan na hindi sila makakaluwas ng Maynila dahil sa kakulangan ng pera.

‘‘That’s their problem, their problem. ‘Yong mga victims puwede naming gastusan,’’ pahayag ni Justice Secretary Jesus Crispin Remulla.

Titingnan din ng DOJ ang nakalusot na petition ng habeas corpus na nagbigay daan para makauwi ang dalawang complainant sa kanilang pamilya.

Una nang sinabi ng DOJ na lumalabas na nagiging kasangkapan o sangkot sa mga pang-aabuso doon ay mismong mga magulang ng mga bata.

 

Follow SMNI NEWS on Twitter